bf#32 -"The Family" *GABRIEL* 8:34 AM @ Police District Station AYON sa autopsy, patay na ang bata bago pa ito iwanan sa harap ng tindahan. Lason ang nakitang dahilan ng pagkamatay nito. Sabi ng tindera, hindi niya napansin ang humintong sasakyan dahil nakatalikod siya, pagkaharap niya---may bata na sa harap ng tindahan niya. Tinignan na namin ang CCTV. Puting sasakyan ang huminto sa harap ng tindahan at hinulog ang bata at umalis din kaagad. Plate Number VYX 888M. Inalam kaagad namin kung kanino nakarehistro ito at nalaman naming ginagamit ang sasakyan pampasada kahit hindi naman ito nakarehistro para ipasada. "Nakilala o namukhaan mo ba ang sinasabi mong kumuha ng sasakyan mo?" Tanong ni officer Sanchez sa driver na kasalukuyang iniinterogate. "Pasahero ko siya pero hindi ko siya m

