bf#18 - "Poisonous" *WENDELL* *3 Days Later* 8:01 AM 3 Days ng hindi pumapasok si Mr. Dimitri sa klase. Ang usap-usapan pa, maraming gusto ng mapaalis siya rito sa school. Iyong unang video na lumalabas---nadagdagan pa ng lima o anim na videos. Kalat na kalat na at talagang nagdala ng ingay sa social media. Nalagay rin talaga sa kahihiyan ang school namin. "Good morning class." Bati ng isang babaeng profesor na kapapasok lang sa room namin. Napatingin kaming lahat sa kaniya, "...from now on ako na ang papalit kay Mr. Dimitri since hindi na siya makakabalik sa mga klase niya." sabi niya. Parang may lumbay sa pagkakasabi niya----naka-itim siyang suot. "Ma'am, ano pong nangyari kay Mr. Dimitri? Inalis po ba siya sa school dahil sa iskandalong kinahaharap niya?" Tanong ng isa naming kakl

