bf#19 - "Witness" *WENDELL* SUNDAY 2:31 PM Nag-aayos na ako kasi gusto ni Pearl na maaga akong makapunta sa kanila. Nabalita ko na rin sa kaniya na okay na si Cliford---actually, dinalaw ulit namin siya kahapon. Hindi kami nagtanong tanong sa kaniya para maiwasan na sumakit ang ulo niya. "Gio. Sure ka dito ka lang?" Tanong ko. Nakahiga si Geomar. Nakatayo ako sa harap ng salamin ng banyo--nakabukas ang pintuan. "Oo. Masama pakiramdam ko ngayon eh." Sabi niya. Kanina pa siya ganiyan, para ngang nanghihina siya. "Hmmm. May sakit ka ba? May gamot ako sa cabinet." "Hindi ko alam. Nanghihina ako eh. Aalis ka pa rin ba talaga?" Tanong niya. "Uhm, oo. Nakakomprimiso na ako kay Pearl eh. Uuwi rin naman ako mamaya. Ikaw, magpahinga ka muna." Sabi ko. Inaayos ko buhok ko. "Okay. Iiwanan mo

