He is sick, why am I worried?

1354 Words
Narinig ng isa sa mga tauhan ko na alam na nila Renato kung nasaan kayo Stallione at papunta na sila diyan ngayon. Kailangan niyong makalipat sa lugar na ibinigay ko sa iyo sa lalong madaling panahon. Pinapunta ko na diyan ang chopper namin at ililipat nila kayo sa islang sinasabi ko sa iyo Stallione. Ingatan mo sana ang apo ko at huwag mong hahayaan na makuha nila si Lian sa iyo dahil alam kong gagamitin ni Renato ang apo ko para mablack mail niya ako at mapilitan akong ipakasal ang anak niya sa apo ko. Sunod sunod na wika ni Don Edmundo sa akin nang sagutin ko ang tawag na iyon. Okay sige po iaayos ko lamang po ang lahat ng gamit ko para sa paglipat namin, sagot niya. Magmadali kayo Stallione at malapit na din ang chopper diyan. Okay sige po, ako pong bahala kay Lian at pinatay na ang cellphone. Mabilis niyang kinalas ang lahat ng mga gamit sa secret room ang mga surveillance camera at ilan pang mga makabagong kagamitan sa pangtatrack ng tao ang isinilid niya sa kanyang mahabang bag maging ang mga baril na nakatago ay inilikom din niya. Nang maisilid ang mga mahahalagang bagay sa bag. Pinuntahan niya ang dalaga at pinaamuyan ng pampatulog para maisama nang di ito nagrereklamo sa lugar na paglilipatan nila. Sakto ang pagtawag ng Don sa paglapag ng chopper sa malawak na bakuran niya sa gitna ng kagubatan. Binuhat niya ang dalaga at isinakay sa chopper matapos ay binalikan ang gamit sa loob para kunin ang mga gamit sa bag. Patakbo siyang lumabas nang may magpaputok mula kung saan at nadaplisan siya sa braso. Kahit na umaaaray ay nagawa niyang makasakay sa chopper habang inaalalayan ng isa sa mga tauhan ni Don Edmundo sa nagpaputok ng baril sa kanya. Nang makasakay ay nakikipagbarilan pa ang isa sa tauhan ni Don Edmundo, mabuti na lamang at nakaangat na sila. Pinunit niya ang damit at itinali ito sa nagdudugong braso. Nang marating nila ang isla, tinulungan siya ng tauhan ni Don Edmundo na maibaba si Lian at agad naman niyang kinuha ang first aid kit at nilinis ang sugat. Nagpaalam na ang mga ito at sinabing tatawagan siya ni Don Edmundo kapag nakabalik ang mga ito sa siyudad. Napapaaray siya sa sakit kapag nadadampian ito ng panlinis sa sugat, ngunit laking pasasalamat niya na mababaw lamang ito at daplis lang. Saka hindi niya napansin sa pagmamadali kanina na may mga tauhan na pala ang kalaban sa lugar niya. Nang malinis nilagyan niya ng gasa ang sugat at itinago niya ito sa damit para hindi mahalata ng dalaga kapag nagising ito. Madilim na ang paligid nang magising si Lian sa hindi na naman pamilyar na lugar, iba sa lugar na kanyang nakabisa na ata ang bawat kanto. Sa ngayon tila nasa isang vacation house sila dahil dumadampi sa balat niya ang malamig na hangin na tila galing sa dalampasigan. Sumilip siya sa bintana at namangha sa nakita. Nasa gitna sila ng isang isla at napakaganda ng tanawin sa labas idagdag pa ang preskong hangin ng malamig na paligid. Inikot niya ang paningin sa kwarto at gawa ang paligid sa salamin at pinasadya siguro marahil upang makita ang tanawin sa labas. Kung iisipin perfect place para sa mag-asawa. Napapitlag sa naisip. Mali na naman siya, bakit naman iyon agad ang pumasok sa isipan niya. Himala wala siyang posas at malaya siyang nakakagalaw. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto para lumabas at namangha siya sa nakita sa sala. Puno ng mamahaling gamit ang sala at mga painting na lahat ay ibinagay ang tema sa ganda ng isla. Maliban sa ganda ng paligid, mayroon pang ibang nais makita ang kanyang mga mata. Ako ba ang hinahanap mo Miss?, tila nang-aasar ang ngiti ng lalaki na bigla na lamang lumitaw sa likuran niya. Dahilan para maout of balance siya at mahulog dito mabuti na lamang at mabilis nito siyang nasapo at napakapit siya sa braso nito. Hindi niya napansin ang pagngiwi nito ng masaktan ang may sugat na braso. Mabilis siyang humiwalay dito at naalala ang nais itanong dito. Nasaan na naman tayo? Bakit iba na naman ang lugar na ito? Tila walang balak sumagot ang lalaki, bagkus ay nilabanan lamang nito ang tingin niya kaya nagdadabog siyang bumalik sa kwarto kanina. Dahil an rin siguro sa lamig ng preskong paligid mabilis na inaya ng antok si Lian at hindi na nakapaghapunan. Nagising siya na kumakalam ang sikmura, kaya naman nilakasan na ang loob na lumabas dahil wala naman nilagay na posas sa kanya at mukha naman mahihirapan din siyang umalis dito dahil nasa gitna sila ng isla. Pumunta siya sa kusina at binuksan ang ref at puno ito ng laman, ngunit hindi naman niya kayang magluto kaya naghanap na lamang ng de latang easy open at ito ang kinain niya. Nang malamnan ang tiyan sinubukan niyang ikutin ang kabahayan. Nang makarinig siya na parang may nasasaktan na tao sa loob ng isang kwarto at umuungol ito. Dahan dahan niyang binuksan ang kwarto at nakita ang lalaking pawisan na nakahiga sa kama at tila nagdedeliryo ito at nakakurumpot. Nang lapitan niya at hawakan ang noo nito, tila inaapoy ito sa lagnat. Agad agad siyang kumuha ng maliit na palanggana sa kusina at humanap ng damit nito at siyang ipinunas niya sa noo nito para bumaba ang lagnat nito. Nanginginig ang katawan nito sa lamig at dahil na din siguro sa lagnat. Pinupunasan niya ang mukha nito pababa at napadako sa braso nang mapansin na tila makapal ang loob ng manggas nito kaya itinaas niya ito at nagulat siya dahil may gasa ito na punong puno ng dugo. Napatakip siya sa bibig, kinabahan siya sa nakita, hindi niya alam ang gagawin dahil nanginginig ang lalaki at mataas ang lagnat nito, kaya pala ganun ay dahil may sugat ito sa braso. Humanap siya ng bulak at ng panlinis ng sugat at mabuti na lamang at mayroon sa mesa sa gilid ng kama. Maingat niyang tinanggal ang gasa nito at nilinis ang sugat nitong dumudugo.Matapos malinis ang sugat nilagyan niya muli ito ng gasa. Humanap din siya sa medicine kit na may gamot at marahan niyang iniangat ang ulo nito upang makainom. Mabuti naman at nagising ito at inilagay niya sa bibig ang gamot at saka pinainom ng tubig. Nang makainom iniayos niya ang unan at inihiga itong muli na nangangaligkig sa lamig. Sa awa ng dalaga sa lalaki ay niyakap na rin niya ito at tinabihan sa pagtulog kahit may kumot na ito para makadagdag sa init na kailangan nito. Nakatulugan na niyang nakayakap sa lalaki at kinabukasan nagising siya na may sumisikat na araw sa kanyang mga mata, dahil salamin ang pader. Biglang naalalang may pasyente siya kagabi pero bakit wala na ito sa higaan ngayon. Nakaamoy siya ng niluluto mula sa kusina kaya napalabas siya at naabutan itong nakatalikod na abalang nagluluto sa harap ng lutuan. Makakasama pa sa iyo ang magkikilos, bakit nagluluto ka na na diyan mister? Galit na sabi niya. Napalingon ito at matamis na ngumiti na tila nakakapagpatunaw sa kanya, ilang beses na niya itong nakitang ngumiti at lumalabas ang mapaputi nitong pantay pantay na mga ngipin. Salamat sa yakap mo Miss, gumaling ako agad, pang-aasar nito sa kanya. Inirapan niya ito at pinisil bahagya ang braso nito. Aray! Bakit mo naman pinisil ang sakit eh! maluha luhang wika ng lalaki. Akala ko ba magaling ka na? Eh bakit nasasaktan ka pa? Saan mo naman nakuha ang sugat mo? Inaapoy ka ng lagnat kagabi at mabuti na lamang at nagutom ako kaya narinig ko ang pagdedeliryo mo. Napaisip si Lian, bakit kaya nalaman nito na niyakap niya ito? Nagisingan kaya nitong nakaakap siya dito? Takang tanong niya sa isip. Stallione POV... Natatawa lamang siya sa aksyon ng dalaga, ang totoo alam niya lahat ng nangyari dahil may mga camera na sa paligid at nireview niya ang mga nangyari kagabi. Parang nais na niyang kiligin dahil mukhang napag alala niya ang dalaga base sa mga kilos nito kagabi at nagawa pa siyang yakapin dahil sa nanginginig siya sa lamig. Tatawa tawa lamang siya habang nakairap ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD