My shattered childhood memories

1300 Words
Kumain sila ng umagahan na iyon nang tahimik, mukhang wala namang balak na iposas pa siya ng lalaki. Madami siyang nais itanong dito ngunit walang salita ang nais mamutawi sa kanyang mga labi. Matapos kumain, kukunin na sana nito ang pinagkainan at akmang dadalhin na sa kusina nang magsalita siya. Ako na at sariwa pa ang sugat mo sa braso baka lagnatin ka na naman mamaya kapag hindi naampat ang pagdurugo niyan, salo niya kahit di naman talaga siya marunong maghugas ng plato. Tahimik naman nitong inabot sa kanya ang plato at lumabas ito ng kusina. Ano na naman kaya ang nasabi kong masama at tahimik na naman nagwalk out iyon sabi niya sa sarili. Sinasabon na niya ang plato nang di sinasadyang dumulas ito sa kamay at nagulog sa sahig. Napasigaw siya at nagmamadaling pinulot ang mga piraso ng nabasag na plato nang biglang... "Ouch !!! nakita niyang nagdudugo ang daliring natusok nang pinulot na basag na plato, siya namang pagpasok ng kusina ni Stallione. What?....hindi nito naituloy ang nais sabihin at napatakbo ito nang makita ang pagdurugo ng daliri niya. Haist Miss hindi ka naman pala marunong maghugas ng pinggan bakit inagaw agaw mo pa sa akin nasaktan ka pa tuloy? Tahimik lamang siya habang tinitingnan ang bawat galaw ng lalaking tila may himig pag-aalala sa naabutan. Nagmamadali itong pumunta ng silid nito at kinuha ang medicine kit na ginamit niya kagabi dito, saka sila umupo sa mesa at nagsimulang linisin ang sugat niya. Nakatitig lamang siya sa bawat gawin nito at hindi makapagsalita. Are you done checking on what I am doing? untag nito sa pag oobserba niya. Bakit parang alam na alam mo lahat ang ginagawa mo? Wala sa loob na naitanong niya. Paano mo naman nasabi Miss eh ngayon mo lang naman akong nakitang naglinis ng sugat mo? I mean parang di ka nararatle habang ginagawa mo ito at maging ang ibang bagay tulad ng pagluluto mo kanina? One thing na gusto kong malaman mo sanay ako sa mga ganito dahil lumaki akong independent na di katulad mong nakahiga sa gintong kutsara. Ah I see, so pinupunto mo na mayaman kami kaya wala akong alam at kaya ba kinidnap mo ako? Huli na para bawiin pa ang nasabi niya na nakapagpabago sa mood nito. Hinawakan siya nito sa kamay at madiing sinabi na.... " Oo dahil mayaman ka kaya kita kinuha sa inyo, masaya ka na ba sa narinig mo?"saka siya tahimik na iniwan ng lalaki. Eh ano pa ba kasi ang dahilan kung hindi dahil sa ransom money? Di ba Lian? Iyon lang naman wala ng iba pang dahilan. Bakit ba kasi hindi mo napigilan ang bibig mo? Naglakad lakad siya sa dalampasigan dahil malaya siyang nakakagalaw ngayon, siguro ay dahil wala naman siyang mapupuntahan dahil nasa gitna talaga sila ng isla at hindi siya makakaalis doon kung hindi magbabangka na wala din naman sa lugar. Napangiti siya nang makakita nang duyan na nakatali sa magkabilang puno ng niyog. Humiga siya dito at dinama ang tahimik at payapang paligid na tanging naririnig mo lamang ay hampas ng alon sa dalampasigan at huni ng mga hayop. Ito ang buhay na di niya inaasahang mararanasan kasama ang isang estranghero. Bakit kaya hindi pa ako nahahanap ni Lolo? Kamusta na kaya sila Mommy at Daddy at ang kaibigan niya, bakit pinabayaan nila ako, mga tanong sa isip na nakatulugan niya dahil sa nakakarelaks na ambience. Nagising siya sa isang banayad na halik sa labi. Ayaw niya imulat angmata dahil alam na niya kung sino ang gumagawa noon sa kanyang mga labi. Bakit hindi niya matanggihan ang mga labing ito? I love you my Princess Lian, bulong nito. May bahagi ng nakaraan ang nagflash back sa alaala niya nang marinig niya ang sinabi nito. Flashback... May kaunti siyang malay nang ilabas sa dresser ng isang batang lalaking tila mas nakakatanda sa kanya ng limang taon ng mga oras na iyon. Pinagkatuwaan kasi siyang ikulong doon ng isa nilang kaklaseng bully isang masama ang panahon na hapon. Kasabay ng pagpalo niya sa loob ang lakas ng kulog sa labas kaya tila walang nakakarinig ng paghingi niya ng saklolo habang umiiyak, hanggang sa mawalan na siya ng ulirat. Binuksan nito ang dresser ng buong lakas at binuhat siya palabas, naaaninagan niya ang kanyang knight in shining armour at bumulong ito ng mga katagang hindi niya malilimutan. " I love you my Princess Lian, sabi nito at matapos noon nagdilim na muli ang kanyang paningin. Nagising siya na nasa hospital at nag-aalalang nakaikot sa kanya ang kanyang Lolo Edmundo Daddy Emilio at ang kanyang Mommy. Mabuti naman at gising ka na apo, sabi ng kanyang lolo. Laking pasasalamat ko sa batang nagligtas sa inyo kundi baka nasuffocate ka na apo sa loob noon. Nagising siya sa pagbabalik tanaw ng biglang kumulog ng malakas. Napatakip siya ng tenga, at biglang may yumakap sa kanya. Oo nga pala nasa tabi nga pala niya ang lalaki at hinalikan pa nga siya nito kanina. Binuhat siya nito at maingat siyang kumapit sa kabilang braso nito upang hindi masaling ang may sugat. Unti unti nang pumapatak ang ulan at malayo din pala sa bahay ang narating niya kaya naman basang basa na sila nang makaabot sa loob ng bahay. Matatalim ang kidlat at sunod sunod na din ang pagkulog kaya napapapikit para di makita ang liwanag ng kidlat at nakatakip ang tenga para di marinig ang kulog. Kumuha ang lalaki ng pamalit na damit niya dahil basang basa na siya. You need to take a shower para di ka magkasakit dahil naulanan tayo. Pero di siya kumikilos, dahil paranoid talaga siya kapag usapang kidlat at kulog na, ito ang kanyang phobia. Nang di kumilos ang babae, binuhat niya ito at dinala sa banyo. Tila tuod ito habang nakapikit at nakatakip ang kamay sa tenga. Talagang malaki ang takot nito sa kulog at kidlat. Magkakasakit ito kapag hindi ito naligo so itinapat niya ito sa shower habang bukas ito, mabuti na lamang at maligamgam ang lumalabas na tubig. Nagulat ito nang mapatakan ng tubig pero wala na iting magagawa kundi maligo. Paliliguan mo ang sarili mo o ako ang magpapaligo sa iyo Miss? Parang wala sa sarili ito dahil malakas pa din ang pagkulog at pagkidlat. Kaya napagpasyahan niya na paliguan ito. Binuhusan ito at sinabon nang madalian ang mga braso at kamay. Para naman itong nabuhusan ng yelo nang tatanggalin na niya ang blouse nito para sabunin ang katawan. " Oopss! Mister okay na ako ako na lang ang magsasabon ng katawan ko. Nananamantala ka ata, bakit mo ako pinapaliguan? saka lang tila narealize nito na nasa banyo sila. Hoy Miss wala akong balak pagsamantalahan ka ikaw na nga tong inaalala ko at baka magkasakit ka matigas pa ang ulo mo at ayaw maligo dahil sa takot na takot ka lang sa kulog at kidlat kaya kita dinala dito.Mabuti naman at nagising ka na sa bangungot mo sa takot mo sa kulog at kidlat, mahabang litanya niya dito. Sabay iwan dito at pumunta nasa kanyang kwarto. Mula ngayon ay didistansya na muna ako sa babaeng iyon at iniisip niya na pinagsasamantalahan ko ang mga kahinaan niya, baka makarating pa kay Don Edmundo kapag nagkaalaman na sabi niya sa sarili. Pero honestly he is just concern sa dalaga at ayaw niya ito magkasakit, sa kabila ng concern na iyon iba na pala ang iniisip nito. Kung sabagay loko mo kasi ninakawan mo na naman siya ng halik kanina at one thing ikaw ang nakauna sa kanya , but hindi lang naman ako ang may gusto ng nangyari sa amin ah, pakikipagtalo sa isipan. You know what Stallione I think you are falling for her again ,pag- amin niya sa sarili. Oo again.... (The secret behind that falling in love again, to be reveal on the next episode)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD