"S-Sorell..."
"Do you really have to run away? Pwede ka namang magpaalam nang maayos e. Alam mo bang madaling araw na akong nakauwi kakahanap sa'yo?" halatang nagtitimping sermon nito.
"You're not my babysitter," mailap ang mga matang sagot ni Rosette.
Hindi makapaniwala si Sorell sa narinig.
"Iyon lang? You could have apologized pero ang lumalabas kasalanan ko pa."
"H-hayaan mo na ako. Sinabi ko na sa'yo nung una pa lang, hindi mo ako responsibilidad. Kaya ko ang sarili ko."
Hindi nakakibo si Sorell.
"I need to go," nilagpasan na ni Rosette ang lalaki.
"I'm coming. I want to talk to Lauren."
Kahit gustong tumutol ni Rosette ay wala siyang nagawa. Hindi niya bahay iyon.
Nagulat si Lauren nang makita ang dating bestfriend na kasama ni Rosette.
"What are you doing here?" kunot-noong tanong nito.
"I want to talk to you," sagot naman ni Sorell. "Tayo lang dalawa."
"You can say it here," hindi pa rin ngumingiti si Lauren. "Hindi iba sa akin si Rosette."
"Please, I want to talk only to you."
"It's okay," singit ni Rosette. "Lalabas na lang ako."
Inirapan ni Lauren si Sorell at tinatamad na tumayo.
"Let's go," sinenyasan nito si Sorell na sumunod. "Just choose whatever movie you want, Rosette. Hindi pa rin ako nakakapili."
Tumango si Rosette. Deep inside ay kinakabahan siya. Paano kung nagalit talaga si Sorell sa kanya at utusan nito si Lauren na paalisin siya?
Sorell followed Lauren inside the library na katabi ng theater room.
"So?" Lauren demanded nang hindi pa rin nagsasalita ang lalaki.
Hindi makatingin nang maayos si Sorell.
"Are you still mad at me?" tanong ng lalaki.
"Why? Have you apologized?" balik tanong ni Lauren.
Sorell chuckled.
"As far as I remember ikaw ang may kasalanan sa akin," sabi ni Sorell. "You conspired with Rosette para mapahiya si Shaina kaya naaksidente si Leigh."
"Fine," matigas pa rin ang expression ni Lauren. "If you're here to demand an apology from me, nagsasayang ka lang ng panahon. The only thing I felt bad about was Leigh's accident. But I don't feel sorry for Shaina or you. Do you think ginusto namin ni Rosette na mapahamak si Leigh? Isa pa, hindi ba nagkabalikan naman kayo noon ni Shaina? You got what you want. Hindi ka na rin ginugulo ni Rosette and don't worry, hinding-hindi ka na niya guguluhin ulit. So leave us alone-"
"I'm sorry."
Napatigil si Lauren sa pagsasalita.
"I came here to apologize. I know you want the best for me and I'm sorry if you felt left out nung naging kami ni Shaina. I was so in love at wala akong pakialam sa iba nung mga oras na iyon. Shaina was the only important thing to me. Kahit nung nag-break kami, iba pa rin ang sinisi ko. I realized now that she doesn't love me the way I loved her. But it doesn't matter. I just want you to know that I regret losing my bestfriend. Masyado lang akong mapride para mag-sorry agad. You know me more than anyone. I won't easily admit na nagkamali ako. But I felt sad nung mga panahong gusto kitang damayan nung nawala si Emman. You used to confide to me nung mga bata tayo kahit maliit na problema pero hindi ka man lang lumapit sa akin. And the times when I was happy at gusto ko ng kausap pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-open up kay Shaina. I realized I still need my bestfriend."
Hindi agad nakakibo si Lauren. Malaki na nga ang pinagbago nito. Hindi na ito iyakin.
"Would you still apologize if hindi kayo nag-break ni Shaina?" Lauren asked.
"Yes," sagot agad ni Sorell. "Baka mas napaaga pa. She was always telling me to apologize at makipagbati na sa'yo but I wasn't ready at that time. I convinced myself na wala akong kasalanan and you were just being selfish. Masama talaga ang loob ko noon kung bakit hindi mo ko kayang suportahan. I should have talk to you instead of ignoring your feelings."
Napayuko si Lauren. "I hated you for choosing Shaina over me. Tinalukuran mo ako na para mo nang kapatid just because you think I wasn't supportive of your relationship. But I guess that what happens when people are in love. Siguro nalungkot lang din ako dahil hindi na tayo madalas magkasama. You forgot that you were my only friend in school. Ang hirap kayang kumain mag-isa sa lunch. I kinda regret asking Shaina to be part of our group back then. Hindi sana kayo napalapit sa isa't-isa."
Bahagya itong natawa.
"I'm sorry," Sorell said, sincerely nang maalala ang nakaraan. "I didn't even think of that. I was happy with her for a moment but I kinda wished too na hindi mo na ginawa iyon."
"I regret hurting you," pag-amin ni Lauren. "I'm sorry if I wasn't a good bestfriend. And you're right, I was selfish dahil hindi ko naisip ang nararamdaman mo o kahit ang feelings ni Shaina. The truth is, I was also jealous of her because of Emman. When Emman took her as a muse tapos pumayag ka. I felt betrayed kahit alam kong wala naman kayong masamang intensyon lalo ka na. It was Rosette who noticed na nalulungkot ako kaya nakumbinsi niya akong kumampi sa kanya. At first, alam kong ginagamit niya lang ako but nung nakasama ko siya, naramdaman kong sincere siya sa pagtulong sa akin kahit hindi niya sabihin. She wanted to help me,not only because tutulungan ko siya sa kalokohan niya, it was because walang tumulong sa kanya noon para mapalapit sa'yo. She also wanted the best for Emman. I never felt that kind of support with Shaina."
"I should have known that you liked Emman para hindi ako pumayag. But I know that you didn't have the chance to tell me dahil busy ako kay Shaina."
"But it wasn't only about that. I know she's nice and you still care for her kahit hindi mo sabihin, she was your first love after all," Lauren hesitated. "but there's something about her..."
"Tell me. Hindi ako magagalit."
"I felt that she wasn't that serious with you. Maybe, she loved you but not as much as you loved her. We both know na mabait siya and I don't want you to think that I secretly hate her pero kasi, ewan ko ba, parang hindi siya makuntento. I don't know if she's just a bad friend kaya naiinis ako or friendly lang talaga siya sa mga lalaki."
Natawa lang si Sorell na ipinagtaka ni Lauren. Mukha ngang naka-move on na ito.
"You know that more than I do, Sorell. Kaya kayo nag-break dahil nahuli mo sila ni Eros, 'di ba? It was Rosette's fault, okay. Sinet-up niya kayo. Pero bakit 'di na siya nakipagbalikan sa'yo? You know why? Dahil nalilito na siya. She was secretly in love with Eros too at parang bumalik yung feelings niya kay Eros nung time na nagkita sila. She told me that kasi akala niya kakampihan ko siya dahil galit tayo. I told her na sabihin na lang sa'yo ang totoo na ayaw niya nang makipagbalikan dahil doon pero hindi niya raw kayang sabihin sa'yo dahil ayaw niyang masaktan ka kaya nagkatampuhan kami. I mean, what the hell?"
Instead na masaktan ay natawa si Sorell. Of course, he felt betrayed dahil talaga pa lang wala na siyang aasahan sa babae at nagmuka lang siyang tanga. But at the same time, nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya alam kung bakit nawala na ang interes niyang makipagbalikan dito lalo pa sa narinig niya. It's enough closure for him.
He was touched dahil kahit pala galit sa kanya si Lauren ay hindi siya nito nagawang traydurin.
"I told you, wala na kami at malabo na rin naman kaming magkabalikan. Thanks for telling me though," muling sumeryoso si Sorell. "So, are we okay now? Can we be bestfriends again?"
Napatingin sa kanya si Lauren, "Sino nag-utos sa'yong makipagbati?"
Ngumiti si Sorell, "Si mommy."
Umirap ang babae, "I thought so."
"Joke lang," bawi niya. "Although, mom convinced me pero kilala mo ako, kung ayaw ko, walang pwedeng pumilit. I really want us to be bestfriends again. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon."
"I don't think so," si Lauren naman ang nagbiro. "I have a new bestfriend now."
Napakunot-noo si Sorell, "Who? Si Rosette?"
Natawa si Lauren pero agad ding sumeryoso, "She's staying with me hanggang wala siyang malilipatan. You know, mabait si Rosette. Kinulang lang talaga siya sa atensyon noon and she's trying to mask her sadness kaya ganoon ang ugali niya. She felt that nobody cared for her. Nakakaawa nga e. I like her now but I think I prefer the old Rosette na baliw. Atleast, mas madaling isipin na hindi siya malungkot."
Hindi nakapagsalita si Sorell.
"Wait, you're not supposed to know na nandito siya. May nangyari bang hindi ko alam?"
"I brought her in the house," pag-amin ni Sorell. "Sinamahan ko kasi siya sa hospital para makapagpaalam kay Mr. Northwood pero alam kong ayaw niya nang bumalik kila Shaina kaya sinama ko sa amin. Bigla namang tumakas."
Napangiti si Lauren, "Seriously? Kailan ka pa naging concern kay Rosette?"
"Naaawa lang ako. If you only knew kung paano kami nagkita ulit baka ampunin mo na siya sa sobrang awa. Hindi ko akalain na magkakaganyan ang buhay niyan."
"She's prettier than your ex and much nicer now, baka naman na-fall ka na sa kanya?" tudyo ni Lauren. "Kaya ka lang yata nakipagbati sa akin dahil nandito si Rosette."
"Of course not!" mabilis na tanggi ni Sorell. "Hindi ko nga alam na nandito iyan e. Nagulat na lang ako nung makasalubong ko sa hallway. Isa pa, I don't have feelings for her. Awa lang siguro but I still don't like her."
Tawa nang tawa si Lauren.
"Bati na ba talaga tayo?" pag-iiba ni Sorell ng usapan.
Tumango si Lauren.
Sorell offered his right hand, "Bestfriends?"
Tinanggap naman iyon ni Lauren. "Bestfriends."
"Anyway, I'm going back to the theater room. Kanina pa naghihintay si Rosette. Do you want to join us?" tanong ni Lauren.
Umiling si Sorell, "No, thanks. Kayo na lang. But we can have coffee tomorrow kung wala kang gagawin."
Saglit itong napaisip, "Sure. Just us?"
"Yeah," nakasimangot na sagot ni Sorell. "Don't bring anyone with you."
Natawa si Lauren, "Okay. Just us."
Nang pababa na ng hagdan si Sorell ay naalala niya ang tungkol kay Mr. Northwood. Should he talk to Rosette at baka makumbinsi niya itong sumama sa libing?
"Bahala siya sa buhay niya," bulong ni Sorell sa sarili. "Kung ayaw niyang tulungan ko siya, 'di huwag."
Hanggang sa nailibing si Mr. Northwood ay hindi niya na nakita si Rosette. Nalaman niya kay Lauren na pumunta pala ang dalawa at lumapit lang nang umalis na ang lahat.
Abala si Rosette na naglilinis ng kitchen. It was her day-off pero nahihiya siyang magkulong sa kwarto kaya tumulong na lang siya sa mga katulong habang wala si Lauren.
Gusto nga siya kaninang isama ni Lauren para mamasyal kasama si Sorell pero tumanggi siya. Bukod sa alam niyang galit sa kanya si Sorell, gusto niyang magkaroon ng pagkakataong makabonding ni Lauren ang bestfriend.
It's been two weeks simula nang magkasundo ang dalawa. She's happy for her dahil halata ang pagiging masaya nito kahit alam niyang deep inside ay namimiss nito si Emman. Naalala niya kung gaano ka-close ang mag-tita. Kinulong niya nga si Lauren noon para hindi na sila masundan ni Sorell.
Agad niyang pinalis ang ala-ala ng nakaraan. Ayaw niya nang maalala ang mga kalokohan niya.
Nakaramdam ng lungkot si Rosette nang mabasa ang text ni Lauren. She will be having lunch with her parents outside at mamamasyal na rin kaya baka gabihin ang mga ito. Kahit papaano ay nalulungkot siya kapag wala ang kaibigan. Pakiramdam kasi niya ay ito na lang ang kakampi niya.
Natapos niya na ang kusina at nakita niyang papunta sa swimming pool si Manang Claring.
"Manang, ako na po," alok ni Rosette.
"Sigurado ka?" tanong ng matanda. "Ayoko sanang humingi ng tulong sa'yo pero kailangan ko ring tapusin iyong pinapagawa ni Ma'am Ruth. May party kasi dito sa katapusan."
"Okay lang po," ngumiti si Rosette at kinuha ang timba at mop mula sa matanda.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang may tao sa pool.
Bago pa makaalis si Rosette ay nakita na siya ni Sorell.
"Psst," tawag nito at kumaway mula sa pool. "Inday, paabot nga ng towel."
Hindi alam ni Rosette kung siya ba ang tinutukoy nito pero lumapit siya sa towel na nakapatong sa sunbed.
"Y-yes, sir."
Kinakabahan niyang inabot iyon sa lalaki.
"Thanks," sagot nito bago umahon. Tumambad sa kanya ang basa nitong katawan. He was only wearing a blue short.
Kunwari ay walang nakita si Rosette at binalikan na ang cleaning materials para maglinis.
"Could you bring me some lemonade too?"
Gusto nang itulak ni Rosette si Sorell sa swimming pool. Ano bang ginagawa ng lalaki rito?
"S-sure."
She went inside para gawin ang lemonade nito. Malas lang dahil wala siyang makitang ibang tao sa bahay kaya wala siyang nagawa kung hindi bumalik sa pool para dalhin ang order ni Sorell.
"Thank you."
Babalik na ulit sana siya sa loob nang tawagin ulit siya ni Sorell na nakadapa na sa sunbed.
"Pwedeng pa-apply ng sunblock?"
Hindi makapaniwala si Rosette.