Chapter Seven

2902 Words
"Pwede na po kayong pumasok." "Let's go, Rosette," aya ni Sorell sa kasama nang marinig ang tawag ng nurse. Nakayuko lang si Rosette na tila iniisip kung itutuloy ba ang pagbisita. Nahigit ni Sorell ang paghinga at nilapitan ang tulalang dalaga. "I'm sure he wants to see you." Tila doon lang siya naalala ni Rosette at tumango ito bago pumasok sa loob ng ICU. Hindi na pumasok si Sorell na ipinagtaka ng dalaga. "I'll leave you alone with him." "N-No," hiling ni Rosette. "Stay, please." Tumango si Sorell. Dahan-dahang nilapitan ni Rosette si Mr. Northwood at tahimik na naupo sa tabi nito na tila hindi alam ang sasabihin. Tahimik lang na pinanood ni Sorell ang dalaga. Nakita niya nang malungkot itong tumingin kay Mr. Northwood. Pagkatapos ay naupo at ihiniga ang ulo sa kama. Aalis sana si Sorell para bigyan ng privacy ang dalawa nang biglang tumunog ang vital signs machine na nakakabit dito. Kahit si Rosette ay nagulat at napatingin sa aparato. Kinakabahang tinawag ni Sorell ang doctor na mabilis namang dumating kasama ang dalawang nurse. Agad namang hinila ni Sorell si Rosette palabas ng ICU. Narinig nila ang pagkakagulo ng mga tao roon. "Let's wait for a while," sabi ni Sorell. Umiling si Rosette. "I want to go, please." Walang nagawa si Sorell kung hindi sundin ito. Nakita niya ang pamumula ng mata ni Rosette na tila nagpipigil sa pag-iyak. Palabas na sila nang makasalubong ang taong naging dahilan ng break-up nila ni Shaina. It was Eros, with his wife. "Rosette," nag-aalalang niyakap ni Edel si Rosette. "We've been looking for you." "I'm okay. Salamat sa pag-aalala." "Someone called us regarding Uncle Ross' condition," si Eros. "How is he?" Hindi nakasagot si Rosette. Napatingin sila kay Edel nang tumunog ang cellphone nito. Agad naman nitong sinagot ang tawag. Tahimik na nakikinig ang lahat hanggang sa matapos makipag-usap si Edel. Kapansin-pansin ang malungkot na mga mata nito. "W-wala na si uncle Ross." Napayuko si Rosette at nakita ni Sorell nang saglit nitong ipinikit ang mga mata. "Rosette, come with us," sabi ni Eros. "Kaming bahala sa'yo." "S-salamat, Eros," pinilit ngumiti ni Rosette. "You don't have to worry about me." "We're always here for you," dagdag naman ni Edel. "Let's go home," ulit ni Eros at akmang lalapitan si Rosette pero mabilis itong hinarangan ni Sorell. "If she doesn't want to come, don't force her," matapang na nakipagtitigan si Sorell sa lalaki. "I'm giving you a chance to back-off, asshole," halatang uminit ang ulo ng lalaki. "Now, get out of my sight." Pero lalong hindi umalis si Sorell. "Ano bang problema mo?" inis na tanong ni Eros. "Hindi sasama sa inyo si Rosette," nilapitan niya si Rosette at hinawakan sa braso. "She's coming with me." Walang paalam na hinila niya palayo sa mga ito ang naguguluhang dalaga. Hindi niya na nakita nang nagtatakang magkatinginan ang mag-asawa at pagkatapos ay napangisi. Hanggang sa makarating sila sa parking lot ay wala pa rin silang imikan. Napatingin siya kay Rosette at natigilan siya nang makita niyang umiiyak ito. Hindi niya alam kung yayakapin ba ito para aluin. Sa huli ay iniabot na lang niya ang panyo rito. "Here." Alanganing tinanggap iyon ni Rosette, "Salamat." "Ihahatid na kita pauwi." Halatang labag sa loob ni Rosette na bumalik sa bahay nila Shaina pero hindi na ito tumutol. Napabuntong-hininga si Sorell. He doesn't want her to go back to Shaina's house lalo pa at nakita niya kung paano ito tratuhin ng daddy ni Shaina. Pero saan naman niya ito dadalhin? Bahala na. "Sorell." Napatingin siya rito habang nag-mamaneho nang marinig niya ang mahinang pagtawag nito. "Thank you for helping me." "I'm a good person. Kahit sinong tao na nasa kalagayan mo, tutulungan ko." Matamlay na ngumiti si Rosette, "And I'm sorry if I made your life miserable before." Napangisi si Sorell, "Huwag mo nang isipin iyon." Inihinto na ni Sorell ang sasakyan. Nagtataka namang napatingin si Rosette sa malaking bahay na nasa harap nila na tila noon lang nalaman na sa ibang lugar niya ito dinala. "A-anong ginagawa natin sa bahay niyo?" Natawa si Sorell, "Gutom na ako. Kanina ko pa gustong umuwi. Besides, I don't think gusto mo pang bumalik kila Shaina kaya dito na lang kita dinala pansamantala hanggang makahanap ka ng bagong matutuluyan." Hindi nakakibo si Rosette. "Tara na," aya ni Sorell. Alanganing bumaba ng sasakyan si Rosette. Lumapit si Sorell sa gate para buksan iyon. Agad namang bumukas iyon nang kusa nang marinig ng guard na may nagbubukas. "Andito ka na pala. 'Di kita napagbuksan dahil sira ang CCTV. Bukas pa gagawin." "Okay lang iyon, Kuya Noel," sagot ni Sorell sa matagal na nilang guard. "Nandyan na ba si kuya Rio?" "Oo, kanina pa." "Si daddy?" "Umalis kasama ng mommy mo. Nagmamadali." Nakahinga nang maluwag si Sorell. Siguradong sa hospital pupunta ang mga iyon at nabalitaan na ang pagpanaw ni Mr. Northwood. Mabuti na ring hindi malaman ng mga ito na may bisita siya. Bukas na lang siguro niya sasabihin. Babalikan na sana niya ang sasakyan at si Rosette nang makitang wala na doon ang babae. Pagod na pagod si Rosette nang makarating sa gate ng subdivision. Mabuti na lang at malapit lang doon ang bahay nila Sorell. Sana hindi pa nakatawag si Sorell sa guard. Tatawid sana siya nang biglang may dumaang magarang kotse. Muntik na tuloy siyang masagasaan. Agad na bumaba ang mga sakay noon. "Rosette?" gulat na gulat ang babaeng may-ari ng sasakyan. "L-lauren..." Bakit ba nakalimutan niya na sa iisang subvidision nakatira si Sorell at ang tiyahin nitong si Lauren? "What are you doing here?" nag-aalalang tanong ni Lauren at bahagya siyang pinasahan ng tingin. "Nasaktan ka ba?" Mabilis na umiling si Rosette, "No, okay lang ako. Sige, bye." "Rosette," pigil ni Lauren. "I heard about your dad." "He's not my dad. I really need to go." "Ihahatid na kita," alok ni Lauren. "Where are you going?" Napayuko si Rosette. Ang totoo, hindi niya alam kung saan siya pupunta. "What are you doing here, by the way?" nagtatakang tanong ni Lauren. "Are you looking for Sorell?" "No!" Nagulat si Lauren nang makita ang reaksyon niya. "I-I mean... no. Kailangan ko nang umalis bago niya ako maabutan. Siguradong ibabalik niya ako kila Shaina and I don't want to go back there. Tinakasan ko talaga siya and I need to leave bago niya pa ako mahanap." Malalim na napabuntong-hininga si Lauren na tila naiintindihan na kung bakit siya nagmamadali. "Come with me." Nagtatakang napatingin si Rosette sa kausap. "Don't worry, hindi malalaman ni Sorell na kasama kita." "S-salamat." Wala ang mga magulang ni Lauren na ipinagpasalamat ni Rosette. Badshot kasi siya sa nanay nito dahil sa pagiging maldita niya. "A-are you sure hindi magagalit ang mga magulang mo?" kinakabahan si Rosette dahil wala talaga siyang matutuluyan. Wala rin siyang pera at gamit para magsimula ulit. Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Lauren. Pinahiram pa siya nito ng damit pambahay at hinayaan siyang mag-shower sa banyo. "Ako'ng bahala." "I remember ikinulong kita nung highschool sa kotse ni Emman at sinagot-sagot ko ang mama mo dahil kay Sorell," matamlay na napangiti si Rosette. Natawa si Lauren pero halata ang lungkot sa mga mata nito. Emman was her ex-boyfriend na suspect sa pagpatay kay Mr. Northwood at suspect rin sa pag-ambush sa daddy ni Lauren. "That was back in highschool. Bata pa tayo noon. I really wish I had the same confidence though." "Why are you so kind to me?" hindi napigilan ni Rosette na tanungin si Lauren. "Because I know that you're a good person. You're the only person who tried to help me overcome my insecurities. Everyone thought I was happy because I had everything but I was extremely insecure and lonely back then especially when Sorell chose Shaina over me. I know kahit ginamit mo lang ako nung una para makaganti kay Shaina at Sorell, deep inside, you really cared about me. You just wanted attention although mali ang way mo. Believe me, I really considered you as a friend. And we can be friends again." Malungkot na ngumiti si Rosette. "Lauren, please don't tell anyone that I'm here. I don't want to attend Mr. Northwood's burial. I don't want to see Leigh and his mom." "I understand. Don't worry, you're safe here." "I can work as a maid." Napailing si Lauren,"Be my secretary. Dito rin naman ang office ko." "Thank you," masayang-masaya si Rosette. "Promise, magpapakabait ako." Muling natawa si Lauren, "Anyway, let's eat. I bought food. Mukhang hindi ka pa kumakain." "Salamat," gusto nang umiyak ni Rosette nang makita ang pagkain sa tray na nakapatong sa side table. Ngayon lang ulit siya makakakain ng mamahaling seafoods at pasta. "C-can I ask you something?" Napatigil sa gagawin sanang pagkain si Rosette nang marinig na nagsalita si Lauren. "D-do you think Emman is guilty?" Seryosong tumingin si Rosette kay Lauren. "You know Emman more than I do. Alam mong hindi siya ganoong tao." "Where's Rosette?" bungad ni Rio kay Sorell nang magkita sila kinabukasan sa opisina. Dahil sa paghahanap kay Rosette ay madaling araw na siya nakauwi at hindi na sila nagkita ni Rio. Late naman siya pumasok kaya hindi rin sila nagkita nung umaga. "Hinahanap siya ng mommy ni Leigh. Sabi ni Eros, magkasama raw kayo." "I don't know," umiling si Sorell. "Tinakasan niya ako kagabi." "Pumayag na ang pamilya ni Mr. Northwood na um-attend si Rosette sa libing," balita ni Rio. "Iyon ay kung gusto niya." Hindi nakakibo si Sorell. "By the way," pag-iiba ni Rio sa usapan. "May trainee si Mr. Lee ngayon. Medyo mahiyain e. Narinig kong sinigawan kanina." Bahagyang natawa si Rio kaya napangisi rin si Sorell. "May bago na siyang pag-iinitan," napailing na sabi niya. "Dyan ka muna," paalam ni Rio. "I have a meeting with Villarosa group of companies." Tumango lang si Sorell. Tsaka siya muling nalulong sa malalim na pag-iisip nang wala na si Rio. Nasaan na kaya si Rosette? Wala pang ilang minuto ay may pumasok na naman sa cubicle niya. "Sorell, can you train Bernard? I don't have time to explain everything to him," mainit na ulong utos nito. Gusto niyang mainis dahil hindi man lang ito kumatok pero ayaw niyang sabayan ang init ng ulo nito. "Sure," sagot niya. "Come in." Walang paalam na umalis si Mr. Lee. Tahimik na pumasok si Bernard sa loob ng office niya. "Have a seat," bahagyang ngumiti si Sorell. "Coffee?" "N-no, thank you," umiling si Bernard. "Huwag mong pansinin 'yong gurang na iyon," sabi ni Sorell bago ibigay dito ang isang handbook. "I was his assistant before I became an associate. Trust me, kahit anong gawin mong tama, mali pa rin kaya don't bother wasting your time." Kahit papaano ay napangiti ito. "Naguluhan lang ako. Iba kasi 'yung itinuro sa school namin sa explanation niya," sabi ni Bernard. "Old school," napailing si Sorell. "I'm not sure kung tama ang ituturo ko since iba ang approach niya at ibinaon ko na rin lahat sa limot yung mga rules niya nung na-promote ako pero I'll try my best. Saglit ka lang naman dito e. Sa akin ka na lang din humingi ng recommendation letter." "Y-yes, sir." "Sorell na lang." Tumango ito. Sinimulan na ni Sorell turuan ang lalaki. Matalino naman ito pero kulang sa self-confidence. Sabay na rin silang mag-lunch at naging komportable na rin sila sa isa't-isa. "So, matanda lang pala ako sa'yo ng tatlong taon. Internship mo ito para sa master's degree. If I were you, naghanap ako ng management trainee. Anong matutunan mo sa pagiging assistant?" "Actually, wala pa kasi akong working experience. Five years din kasi ako sa college dahil nawili sa pagbabanda. Then, nag-master's degree na ako," natatawang kwento ni Bernard. "I want to start from the bottom dahil aminado naman akong kulang ako sa experience." "I see." "Sorell," masayang lumapit si Rio nang makita sila. "Hi, Bernard." "Hi, Mr. Villareal," nahihiyang bati ni Bernard. "Jess is here." Nagulat si Sorell sa sinabi ng kuya. Jessa is their younger sister na nag-tratrabaho sa U.S. "We'll have a dinner later sa bahay nila lola. Huwag kang mawawala ha." "Okay," tumango si Sorell at nagpaalam na rin agad si Rio. "W-wait, kapatid mo si Mr. Villareal?" gulat na tanong ni Bernard. Tumango si Sorell. "Meaning, anak ka rin ng may-ari?" hindi makapaniwala si Bernard. "Medyo hawig nga kayo." "Mas gwapo naman ako ng isang paligo," natawa si Sorell. "If you're the owner's son, bakit hindi ka na lang maging manager?" "Like you, I'd rather start from the bottom," sagot niya. "My father also believes that we should work hard if we want to succeed. I don't want special treatment at sa tingin ko, mas magiging magaling na manager ako in the future kapag natutunan ko kahit responsibilities ng entry level position." Halata ang paghanga sa mga mata ni Bernard, "Amo ka pala ni Mr. Lee kung tutuusin." Natawa si Sorell, "Don't worry, if you want to apply as a permanent staff after your internship, I'll be happy to recommend you. Pero tsaka na kapag ako na ang manager. Gagawin kong assistant mo si Mr. Lee." Sabay silang natawa. Masayang niyakap ni Sorell ang bunsong kapatid. Dalagang-dalaga na ito at matured na ring kumilos. "Are you staying here for good?" tanong niya. Nakangiting tumango si Jessa, "Yup. I'm launching my own start-up." "Wow," napailing si Sorell. Samantalang siya ay associate pa rin at sunud-sunuran kay Mr. Lee. "If you want, you can work for me," biro ni Jessa. Kapwa sila natawa. "I'll think about your proposal," natatawang sagot niya. "Kumain na kayo," tawag ng lola nila. Agad namang sumunod sa dining room ang dalawa. Nandoon na si Rio at ang mga magulang nila. Wala pang ilang minuto ay dumating na rin ang lolo nila. Naging masaya naman ang dinner kahit pa nakaramdam si Sorell ng kaunting awkwardness. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sila nagkaka-ayos ni Lauren na dati niyang bestfriend. Ilang beses naman silang sinubukang pagbatiin ng mga magulang and they tried to be casual with each other. Pero hindi na sila katulad ng dati. Lauren also made it clear na she wants nothing to do with him at masyado ring mataas ang pride niya para makipagbati rito. "I need to go. May nakalimutan pala akong gawin," nakangiting paalam ni Lauren. "Welcome back, Jess. Labas tayo kapag may time ka." Ngumiti rin si Jessa, "Aasahan ko 'yan. Namimiss ko na rin kayo nila Gianna at Ate Gabby." Humalik muna sa lahat si Lauren maliban kay Sorell. Tumaas lang ang kilay ng mommy Ruth niya. Nagpapasalamat naman siya at hindi nito binisto na may bisita siya. "Dalhan mo ng pagkain yung alaga mo, baka gutom na iyon," sabi nito na sinimangutan niya. Alam niyang si Rosette ang tinutukoy nito dahil wala naman silang pet. "Seriously, kanina pa siya 'di kumakain," bawi nito at palihim siyang kinindatan. Natawa na lang si Lauren. "You have a dog?" kaswal na tanong ni Sorell. "Ka-aadopt lang namin," sagot ng lola niya. "What breed? Baka pwede sa husky ko." Natawa ang lolo at lola sa tanong ni Sorell. "You have to ask Lauren if she'll let you borrow her pet," sagot naman ng lolo niya. "Nevermind." "Are you still fighting?" natatawang tanong ni Jessa. "Highschool pa 'yan ha." Natawa rin si Rio, "Akala ko nga rin bff forever sila." "I don't have room for forced friendship," sagot ni Sorell. "Anak," mahinahon namang saway ng mommy nila. "Lauren is your aunt. You are family. Nasaktan lang iyon dahil pinagpalit mo kay Shaina samantalang since childhood kayo ang magkalaro. I know her. She's very supportive of you at hindi niya sinasadya kung ano man ang ginawa niya. Tutal wala na kayo ni Shaina. Why don't you try to build your friendship again? Did you even try?" Hindi nakasagot si Sorell. Hindi niya maintindihan kung bakit for the first time, nakita niya na siya nga ang nagkulang. Lauren was very supportive of her and Shaina until they started ditching her. Nahigit ni Sorell ang paghinga. "Fine, I'll try," sagot ni Sorell. "Iinvite ko siyang lumabas." Masayang nagpatuloy sa pagkain ang lahat. Tumuloy pa ang mga magulang sa garden kasama ang dalawang kapatid nang mag-ayang magkape ang lola nila. Nagpaalam naman si Sorell na kakausapin si Lauren. "Kumain ka pa," sabi ni Lauren kay Rosette. "Kukuha pa ako sa kitchen kung kulang." "Tama na ito," nahihiyang tanggi ni Rosette. "Jessa came back from the states so nandito ang family nila for dinner. Uunahan na kita. He's here too," inis na kwento ni Lauren. "Nawalan tuloy ako ng ganang kumain." Bahagyang natawa si Rosette. "Let's watch a horror film tonight," sabi ni Lauren. "Matagal na akong hindi nakakapanood ng movie." "Sige." "Ubusin mo muna yan. I'll be at the theater room. Maghahanap ako ng maganda movie," excited na paalam nito. Tumango si Rosette. Deep inside, masaya siya dahil pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng kapatid. Pagkatapos iligpit ang pinagkainan at mag-toothbrush ay lumabas na si Rosette para sumunod kay Lauren. Malapit na sa theater room si Rosette nang magkasalubong sila ng paparating. Hindi niya alam kung tatakbo o tutuloy sa pupuntahan. Halatang nagulat rin ito nang makita siya . "H-hi," mailap ang mga matang bati niya. Hindi man lang siya sinagot ni Sorell. Tiim-bagang na nakatitig lang ito sa kanya. She has never seen him so mad except the time that she caused Leigh's accident. "H-hinihintay na ako ni Lauren," muling paalam niya. She tried to leave but he grabbed her wrist at hinila pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD