Pinilit ni Sorell na mag-concentrate sa ginagawa pero talagang lumilipad ang utak niya. Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula nang huli silang magkita ni Shaina at sampalin siya ni Rosette pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga pangyayari.
Siguro nga mali ang ginawa niyang pangingialam. Siguro nga naging selfish siya dahil ginamit niya na naman si Rosette para mapalapit kay Shaina.
"I wasn't planning to use her," bulong ni Sorell sa sarili. "Naawa lang talaga ako sa kanya kaya ko nagawa iyon. Siya na nga tinutulungan, siya pa ang galit."
Malalim na napabuntong-hininga si Sorell, "Pero in fairness, gumanda si Shaina. Hindi na siya katulad ng dati."
Napailing na lang siya at pinilit na tapusin ang ginagawa. Hindi na siya kumain ng tanghalian dahil wala rin siyang gana. Wala sa sarili siyang nakatitig sa monitor nang sumilip si Rio sa glassdoor.
"Sorell," he tilted his head na tila sinesenyasan siyang sumunod dito. "Tawag ka ni Mr. Lee."
Si Mr. Lee ang manager ng Business and development team.
Bahagyang kinabahan si Sorell. Mukhang tense ang kuya na madalang mangyari. Alanganing sumunod si Sorell sa cubicle kung saan ginaganap ang departamental meeting. Aside from Mr. Lee, sila lang ni Rio ang nandoon.
"Mr. Villareal, what have you done?" salubong ang kilay na sita agad ni Mr. Lee.
Hindi man lang siya nito hinayaang makaupo.
Nagtatakang napatingin si Sorell kay Rio. Bilang sagot ay iniharap ni Rio ang laptop sa kapatid. Gusto nang lumubog ni Sorell sa kinauupuan nang malaman ang kapalpakang nagawa.
"Explain, Sorell," Mr. Lee demanded. "Paano natin lulusutan ngayon ito?"
Napapikit si Sorell sa katangahang nagawa.
Nai-forward niya lang naman ang e-mail sa client na para sana sa credit department, requesting na huwag nang bigyan ng bagong credit limit ito dahil baka hindi makabayad at masyadong demanding.
"I just received an e-mail from the client. He was very offended. He informed me that he will just settle his bills at hindi na kukunin ang serbisyo natin," halatang nagtitimping paliwanag ng manager. "Ikaw ang magpaliwanag nyan sa daddy mo. Babagsak ang kumpanya niyo sa ginagawa mo."
"Sumosobra ka na-" hindi na nakatiis si Rio pero hindi na naituloy ang sasabihin nang maramdaman ang kamay ng kapatid sa braso.
"It's okay," pigil ni Sorell sa gagawin sanang pagsagot ni Rio sa manager nila. "Sorry, Mr. Lee. Hindi na mauulit."
"Siguraduhin mo," sabi pa ni Mr. Lee. "You need to prove that you're worthy of your position at hindi lang dahil anak ka ng may-ari kaya ka natanggap sa kumpanya."
"Yes, sir," sagot ni Sorell pagkatapos na palihim na sipain sa silya si Rio nang makita niyang akmang sasagot na naman ang kuya.
Inis na inis na isinara ni Rio ang laptop nang wala na si Mr Lee.
"Sumosobra na 'yang gurang na 'yan ha!" hindi napigilang sabi ng lalaki.
"Hayaan mo na," saway ni Sorell sa kuya.
"Hintayin niya lang kapag ikaw na CEO."
Napatingin si Sorell kay Rio. "What do you mean? Ikaw ang panganay."
Natawa si Rio pero bigla ring sumeryoso, "You're way smarter than me when it comes to business. I've already talk to dad about it."
"But have you talked to me? What if ayoko at may iba akong plano?"
"Matagal pa naman iyon. Isa pa, even dad believes that you're more capable to run the company than me."
Sorell rolled his eyes. Ang hilig talagang tumakas sa responsibilidad ng lalaking ito.
Muling natawa si Rio.
"Anyway, do you want to go out?" aya ng lalaki. "May ikwe-kwento ako sa'yo."
Tumango si Sorell.
"Let's leave early," sabi ni Rio. "Nabwibwiset ako sa manager mo."
Sumama na siya kay Rio. Alam niyang makakarating na naman sa ama ang tungkol sa nangyari pero wala na siyang pakialam.
Dahil hindi pa rin nakakapag-lunch ay nagpasya silang kumain na instead na magkape.
"I'm planning to resign," sabi ni Sorell habang naghihintay sila na dumating ang order.
Natawa si Rio, "Dahil kay Mr. Lee?"
Umiling si Sorell, "I'm getting bored with routine work."
"Magpalipat ka na lang ng department."
Nagkibit-balikat siya, "Maybe. We'll see. Anyway, ano nga pala 'yung ikwekwento mo?"
Naalala niyang may i-kwekwento nga pala si Rio kaya sila lumabas.
"It's about Mr. Northwood."
"What about him?"
"I went out with dad yesterday. Nagkape sila ni Dr. Alfonso. You know him, right? 'Yung doctor na in-charge kay Mr. Northwood. Sabi niya, hindi na raw talaga magtatagal 'yung matanda. They want to talk to his family to prepare them. Baka one of these days, Mr. Northwood will pass away."
Hindi nakakibo si Sorell.
"Since nandoon ako, dad asked me na ako na lang ang magsabi sa nanay ni Leigh. I'm going to their house later. Do you want to come?"
"Ano namang gagawin ko doon?"
"Come on, I know you want to see Shaina," tudyo ni Rio.
"Kuya, Mr. Northwood is dying. Do you think I will still have time to think about Shaina?"
Lalong natawa si Rio.
"I don't know. Kung gusto mo lang naman," he chuckled.
Napailing si Sorell.
Maya-maya ay dumating na ang order nila. Ilang minuto rin silang hindi nag-usap. Something they both have in common, tahimik sila kumain.
Saglit pa silang nagkwentuhan bago magpasyang umuwi.
"Magkita na lang tayo sa bahay," sabi ni Rio. Nasa parking lot na sila nang magpaalam ito. "I'm going to Leigh's house."
Saglit na natigilan si Sorell.
"O bakit?" untag ni Rio.
"N-nothing."
Sa unang pagkakataon ay wala sa isip niya sa Shaina. Naisip niya lang kung anong magiging reaction ni Rosette.
"Kuya..."
Napalingon si Rio.
"Can I come?"
Halatang nagulat ang dating asawa ni Mrs. Northwood nang makita sila. Agad naman silang pinapasok nito. Even Shaina's dad was there.
Sakto namang dumating si Shaina kasama si Leigh.
Nagulat ang dalawa nang makita si Sorell at Rio.
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa," simula ni Rio. Shaina and Leigh joined them. "Dad sent me here para sabihin sa inyo na wala ng pag-asang magising pa si Mr. Northwood. It's better for you to visit him while you still have the chance. He's not getting any better and one of these days baka mawala na siya."
Nakita niya ang pamumula ng mata ni Flora na asawa ni Mr. Northwood. Niyakap naman ito ng daddy ni Shaina.
"Rosette, come," tawag ni Shaina nang makitang nakadungaw ang dalaga.
Napatingin ang lahat kay Rosette.
"I-it's okay."
"I think you should know this," said Shaina's dad. "Kinupkop ka pa rin niya."
"I'm not related to him," sagot ni Rosette.
"Don't you want to see him bago siya mawala?" tanong ni Shaina. "Naging mabuti rin naman siyang ama sa'yo."
"What do you know?" hindi na napigilang magtaas ng boses ni Rosette. Simula nang sumama siya sa mga ito, wala nang ginawa ang mga ito kung hindi pakialaman ang buhay niya. Especially Shaina's dad na halatang ayaw siyang kasama. "I bet hindi rin naman ako papayagan ng mga kamag-anak niya na makalapit sa kanya. Hayaan niyo na lang ako."
"Don't talk to my daughter like that. Nakikitira ka lang. Learn to respect the people na tumutulong sa'yo," galit na sabi ng daddy ni Shaina.
"Excuse me," hindi na napigilan ni Rosette ang sarili.
Akmang aalis siya nang pigilan siya ni Shaina.
"Rosette, please," Shaina asked, habang hawak siya sa braso. "I know you want to see him."
Nagulat na ang lahat ng lumapit si Sorell at tanggalin nito ang mga kamay ni Shaina na nakahawak sa braso niya.
Kahit si Sorell ay nagulat sa sarili.
"Let her go," maawtoridad na utos ng lalaki na ikinagulat ni Shaina.
Sorell never talked to her that way.
Sinamantala iyon ni Rosette at mabilis na naglakad palabas, followed by Sorell.
Nagulat si Rosette nang makitang sumunod pala ang lalaki.
Nakaupo siya sa gilid ng gate nila Shaina at tahimik na tumabi sa kanya ang lalaki.
"Is it true?" tanong ni Rosette. "Talaga bang hindi na siya gigising?"
Hindi nakasagot si Sorell.
"I feel sorry for him. His money couldn't even prolong his life."
"Are you okay?" hindi napigilang itanong ni Sorell.
"W-what do you mean?"
"Are they treating you well? Mukhang istrikto ang daddy ni Shaina."
Hindi agad nakasagot si Rosette.
"I-I'm sorry," sincere na hingi niya ng tawad. "Hindi ko na sana sinabi sa kanila kung nasaan ka. Hindi ka rin naman napabuti sa kanila."
"It hurts to see Tita Flora with another guy habang nasa hospital si mr. Northwood. That's the reason kung bakit ayokong sumama sa kanila," pagtatapat ni Rosette.
Tumango si Sorell, "I understand."
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.
"Sorell."
Napatingin si Sorell kay Rosette.
"I-I want to see him. I just want to say goodbye. Do you think papapasukin ako?"
"We own the hospital where he is now. Akong bahala."