Chapter Five

1225 Words
Nahihilo na si Rosette habang pinupunasan ang mga mesa pero pinilit niya pa ring tapusin ang mga gawain. Ala-una na nang umalis ang huling customer kaya ngayon pa lang siya nagliligpit. Malalim siyang napabuntong-hininga bago nagpatuloy sa paglilinis. Mukhang ngayon pa siya magkakasakit kung kailan busy ang restaurant. Iinom agad siya mamaya ng gamot para hindi tuluyang magkasakit at baka tuluyan na siyang tanggalin sa trabaho. Napalingon siya nang marinig na may pumasok sa restaurant. "Sarado na po kami-" natigilan siya nang makita kung sino ang bagong dating. "Rosette," mahinang tawag ni Flora. Alanganin itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap pero hindi man lang siya gumanti. Kasama nitong dumating ang bagong kinasakasamang si Serge at ang step-daughter na walang iba kung hindi si Shaina. And beside her is the guy na gusto niyang isumpa nung mga oras na iyon. "Matagal kitang hinanap. Sorell told us na dito ka nagtratrabaho," ngumiti si Flora pero kahit alam niyang sincere iyon ay hindi pa rin magawang matuwa ni Rosette. Hindi na sana ito nagpakita pa. "Sumama ka na sa amin, Rosette." "I'm not your ex husband's daughter," malamig na sabi niya. "Hindi mo ako responsibilidad." "Rosette..." "We're here for you, Rosette," singit ni Serge. "Nag-aalala ang tita Flora mo kaya hinanap ka namin. Maybe you're not Ross real daughter pero napamahal ka na sa tita Flora mo. Sumama ka na sa amin. Tutal, wala ka na ring pamilya." "I can take care of myself, don't worry," hindi pa rin nagpatalo si Rosette. Alam niyang she's not in the position para magmalaki pero hindi siya papayag na pangunahan ng mga ito. Lalo na at hindi niya naman kaano-ano. "You should be grateful dahil nagmamalasakit pa rin sa'yo si tita Flora," hindi na nakatiis na sabat ni Sorell. "Kung ano man ang pinagtalunan niyo noon, kalimutan mo na. She's not your step-mother anymore. And if you're afraid na gagamitin ka niya, para saan? Kung gold digger ang tingin mo sa kanya noon, hindi mo na pwedeng isipin iyon since wala ka rin namang karapatan sa naiwan ni Mr. Northwood-" "Sorell!" saway ni Shaina. Nahigit ni Sorell ang paghinga at napayuko. Saglit na katahimikan ang namagitan sa lahat. "No, he's right," mapait na napangiti si Rosette. "Wala rin naman kayong mapapala sa akin." "Nag-aalala kami sa'yo, Rosette," sinserong pahayag ni Shaina. "Even Leigh. Please, come with us. I promise to get out of your way kung iyon ang gusto mo. Isa pa, may sarili akong condo kaya hindi mo rin ako makikita lagi." Hindi sumagot si Rosette habang tahimik na naghihintay ang mga kaharap. "Rosette, tapos ka na ba?" Narinig nilang tawag ng mataray na amo ni Rosette. Kinabahan si Rosette at mabilis na kinuha ang basahan na nakapatong sa mesa. "Sandali na lang po, Mrs. Uy," sagot ni Rosette. "Umalis na kayo," taboy ni Rosette sa mga bisita. "I'm not coming." "Rosette, please," muling hiling ni Flora. "You don't deserve this kind of life. Kahit man lang pag-aralin kita. Pagkatapos mo ng college, pwede ka nang umalis kung gusto mo." Natigilan si Rosette.  Iyon ang pangarap niya. Ang makapagtapos ng pag-aaral. Pero kaya niya bang makasama si Shaina? O si Leigh? O makita si Serge na alam niyang kahati sa pagmamahal ni Mr. Northwood kay Flora? "Rosette..." untag ni Flora. "Fine," bagsak ang balikat ni Rosette nang bitawan ang basahan. "Sasama na ako."Kahit masama ang loob ay walang nagawa si Rosette kung hindi pumayag. Alang-alang sa pangarap niya at pangako sa sarili na magtatapos siya.  Someday, she will make Mr. Northwood proud. Halatang natuwa si Flora. Hindi niya na nakita ang reaksyon ni Shaina at ng daddy nito. Wala naman siyang pakialam. Ang mahalaga ay tumupad si Flora sa pangako. "But you have to promise me na aalis na ako once na nakatapos ako." Tumango ang babae, "Once na nakatapos ka, panatag na akong masusuportahan mo na ang sarili mo at makakapag-trabaho ka nang maayos." Hindi nakakibo si Rosette. Kahit ayaw niya kay Flora, hindi niya pwedeng itanggi na na-touched rin siya sa sinabi ng babae. Eversince naman, ito lang ang may tiwala sa kakayahan niya. "Let's go," aya na ni Rosette sa mga ito. "Before I change my mind." Hindi na nagpaalam si Rosette kay Mrs. Uy at nag-iwan na lang siya ng note. Nagtataka man kung bakit kasama pa rin nila si Sorell ay hindi na siya nagtanong. Nalaman niya na lang ang dahilan nang makita ang isang kotse na nakaparada sa harap ng malaking bahay na hinintuan nila. She recognized Sorell's car. Napatingin siya sa malaking bahay at bahagyang nakaramdam ng pagkailang. Sa tagal na panahon niyang nagpalaboy-laboy, hindi na yata siya sanay tumira sa ganoong kalaking bahay. "Tara na sa loob," masayang aya ni Shaina at excited siyang hinawakan sa kamay. Wala sa sariling binawi niya iyon na ikinawala ng ngiti nito. "I'm sorry," tila napahiyang hingi nito ng paumanhin. "C-can I speak to Sorell first?" Muling ngumiti si Shaina, "Of course." "Sumunod ka na lang sa loob," nakangi ring paalam ni Flora. Sabay na bumaba ng sasakyan si Sorell at Rosette habang pumasok na ang kotse sa loob ng malawak na bakuran. Hindi na napigilan ni Rosette ang sarili. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Sorell. Nahaplos na lang ng lalaki ang namumulang pisngi at kahit alam niyang galit ito ay hindi ito gumanti. "Talaga bang desperado ka nang makalapit kay Shaina kaya pati ang sitwasyon ko ginamit mo?" galit na sumbat ni Rosette. "Rosette..." "Don't lie, Sorell," pigil agad ni Rosette sa iba pang sasabihin ng lalaki. "Alam kong gusto mo lang makalapit kay Shaina. Pero sana inisip mo muna kung ano ang mararamdaman ko." "You're being selfish, Rosette. Matagal kang hinanap ni Tita Flora. Huwag mong pairalin ang pride mo..." "Selfish? Ako pa ngayon ang naging selfish? Bakit hindi mo ako hinayaang magdesisyon para sa sarili ko?" "Anong klaseng desisyon ba ang ginagawa mo sa buhay mo?" hindi napigilan ni Sorell ang inis. "yung magnakaw ng chocolate dahil wala kang pambili? Magtrabaho na kulang pa sa gamot mo ang sahod mo kapag nagkasakit ka? Ang hirap sa'yo, hindi mo matanggap sa sarili mo na hindi mo kaya mag-isa." "Ang hirap sa'yo hindi mo matanggap na hindi na babalik si Shaina sa'yo kahit anong gawin mo!" hindi na napigilang sabi ni Rosette. Tuluyan nang nag-init ang ulo ni Sorell. "Oo, tama ka. Gusto kong makalapit kay Shaina kaya ko sinabi sa kanila kung nasaan ka. Pero naisip ko ngayon, sana pala hindi ko na sinabi. You don't deserve tita Flora's kindness. Hindi ka deserving sa malasakit ng tao sa paligid mo." "You f*****g have no right to tell me that! You weren't in our house kaya hindi mo alam kung bakit ayokong bumalik. You don't know how I feel about those people. Siguro hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko pero nagsisikap akong makaahon. Gusto ko lang naman makapagsimula ulit nang hindi naaalala si Mr. Northwood. Bakit ba hindi mo maintindihan iyon?" Hindi nakakibo si Sorell. Napapikit naman si Rosette sa sama ng loob at matagal bago muling nagsalita. "If you want to see Shaina, huwag ako ang idahilan mo," malumanay na ang boses nito. "Ito na sana ang huling beses na makikialam ka sa buhay ko." Tinalikuran na ni Rosette si Sorell at walang paalam na pumasok sa loob.Naiwan naman ang wala pa ring kibong binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD