Kasalukuyang naghihintay si Sorell sa labas ng bahay ng ex-girlfriend na si Shaina pero ayaw siyang papasukin ng kasambahay. He knows na galit ito sa kanya dahil hindi niya ito hinayaang magpaliwanag. He was blinded by jealousy nang makita itong kasama ang dating manliligaw na si Eros.
Sana pala ay hinayaan niya muna itong magpaliwanag. Eros talked to him at sinabi nitong na-set up lang sila ni Rosette, ang babaeng wala nang ginawa kung hindi bigyan ng sakit ng ulo ang mga tao sa paligid.
Shaina was his first girlfriend kaya naman aaminin niyang may pagka-immature pa siya. Takot siyang mawala ang babae at sa dami ng umaaligid dito, lalo siyang nahihirapan. Idagdag pa na minsan na rin siyang iniwan nito kaya naman sobra rin siyang insecure. Ganito nga siguro ang relasyon, kailangang ipaglaban ang relasyon para huwag mawala ang babaeng mahal mo.
"Sorell!"
Nagpanting ang tainga ni Sorell nang marinig ang boses ng babaeng naging dahilan ng pag-aaway nila ni Shaina.
"Hi, babe," nakangiting bati nito. "Namiss kita."
"What are you doing here, Rosette?" galit na tanong ni Sorell. "Hindi ba dapat binabantayan mo si Leigh ngayon?"
"May nurse naman siya," nagkibit-balikat ang babae at pagkatapos ay binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Ikaw ang gusto kong bantayan e."
Nahigit ni Sorell ang paghinga. Kailan ba magsasawa ang babaeng ito kakasunod sa kanya? Wala ba talaga itong pakiramdam? He did almost everything para lubayan siya nito. Ginamit niya na nga ito para makalapit kay Shaina noon pero hindi pa rin ito nadala. Sa tingin niya ay hindi naman ito in love. Mas tamang sabihing obsessed lang ito dahil hindi pa rin siya bumibigay.
"Uuwi na ako," tinalikuran na ni Sorell si Rosette pero sumunod pa rin ito sa kanya.
"Uwi na tayo."
"Rosette, not now!" galit na saway ni Sorell sa babae. "huwag mong ubusin ang pasensya ko. Alam kong lahat ng kalokohan mo. Nakausap ko si Eros."
"Oh," bahagyang nagulat si Rosette. "Traydor talaga ang bastardo na ‘yon. Naniwala ka naman? Alam naman nating pareho na they almost hooked up. Remember nung mga panahong iniwan ka niya dahil ang sabi niya babantayan niya si Leigh pero nakikipag-date naman kay Eros..."
"f**k off!"
Napatigil sa pagsasalita si Rosette nang maramdaman ang mahigpit na paghawak ni Sorell sa braso niya.
"Leave me alone," galit na banta nito. "Dahil kapag nainis ako, ipapapulis kita. Last warning na ito. Stay away from me. Tsaka ano bang ginagawa mo rito sa tapat ng bahay nila Shaina? Hindi ba ipinagtabuyan niyo ni Leigh si Shaina? And now, you're here para manggulo."
"Nakakalakad na si Leigh. Iyon ang gusto kong sabihin sa daddy ni Shaina," seryoso na si Rosette. "I'm also here to talk to him para balaan siya na lumayo sa malanding Flora na iyan. I know what they are doing behind my dad's back so please tell that f**k boy dad of Shaina to stay away from my Dad's property."
Natigilan si Sorell sa nalaman lalo na nang maalala ang isang pangyayari.
"Bye, baby loves," muling ngumiti nang matamis si Rosette. "You should go home too. Mukha kang aso dyan. But don't worry. I love dogs. I can take you home with me."
Hindi na pinansin ni Sorell ang patutyada ng babae. Umalis na rin siya dahil mukhang walang balak makipag-ayos sa kanya si Shaina. Isang ala-ala ang sumagi sa isip niya habang nagmamaneho pauwi.
"Ikaw pala si Sorell," nakangiting bati ng Daddy ni Shaina sa kanya. Wala na rin pala ang mommy ng babae kaya daddy na lang ang nag-aalaga rito. Nag-iisa rin itong anak.
"Good afternoon po, Tito." Nahihiyang inabot niya ang pakikipagkamay nito.
Uwian nila noon at nagpasama si Shaina sa kanya para daanan ang daddy nito sa office. Kung bakit ba kasi hindi sumama si Lauren at maaga raw uuwi.
"Masaya ako dahil may bago ng kaibigan ang anak ko. Mukha ka namang mabait. Gwapo pa." biro nito na ikinapula ng pisngi ni Sorell.
"Dad," saway ni Shaina, "Iyan ka na naman e. Tingan mo tuloy, nahihiya si Sorell."
"Sige na, parating na ang mga business partners ko. Salamat sa pagdadala ng mga naiwan kong papeles,” taboy na nito sa kanila pero humirit pa at muling biniro si Sorell, "Sorell, ikaw na ang bahala sa anak ko. Matigas ang ulo ng batang 'yan."
Palabas na sila ng building nang mapatigil sa paglalakad ang binatilyo.
"O bakit?" nagtatakang tanong ni Shaina.
"Saan ba ang restroom dito?" nahihiyang tanong ni Sorell.
Tawa nang tawa si Shaina, "Sa second floor malapit sa office ni Daddy."
Nang hindi pa rin umaalis si Sorell ay lalo siyang pinagtawanan ni Shaina, "Pumunta ka na. Baka gusto mong samahan pa kita? Hintayin na lang kita dito sa lobby."
Natawa na rin si Sorell at nagtungo sa itinurong direksyon ni Shaina. Binilisan niya na lang dahil ayaw niya ring paghintayin ang babae.
Naglalakad na siya pabalik nang mapadaan sa opisina ng daddy ni Shaina. Medyo nakaawang ang pinto at hindi niya alam kung bakit naging interesado at bahagyang sumilip doon. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita ang ama ng kaibigan na may kasamang babae sa loob at tila naghahalikan ang dalawa. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ang babae.
Νakarating na rin sa sariling condo si Sorell pero hindi pa rin mawaglit sa isip ang pangyayaring iyon. Alam niyang matagal nang may relasyon ang stepmother ni Rosette at ang daddy ni Shaina pero hindi niya sinabi kahit kanino. It's none of his business. Isa pa, nauna namang nagkaroon ng relasyon ang dalawa kay sa sa daddy ni Rosette at halatang mahal pa rin ng mga ito ang isa't-isa. Hindi niya na problema kung maiwan ang daddy ni Rosette sa ere. Matapobre rin ang matanda kaya iiwan talaga ng asawa. No wonder, masama ang ugali ni Rosette.
Papasok na siya sa loob ng condominium nang makitang may nag-aabang sa kanya sa lobby. Muntik nang mapamura si Sorell nang makita ang babae.
"Jesus Christ..."
"Hi loves," malambing na lumapit sa kanya si Rosette. "Namiss agad kita e."
"Umalis ka na kung ayaw mong magkaroon ng eskandalo rito," banta ni Sorell.
"I love scandal," pilyang sabi nito.
"Rosette, pwede ba?" maiiyak na si Sorell. "Kailan mo ba ako titigilan?"
"Kapag na in love ka na sa'kin."
"I will never fall in love with you," sarkastikong sabi ni Sorell.
"Come on, tigilan mo na si Shaina. Wala naman iyong gusto sa'yo e."
"Tigilan mo na rin ako dahil wala rin akong gusto sa'yo."
Tumawa lang ito pero hindi pa rin siya nilulubayan. "Let's go for a coffee. I'll treat you."
Nahigit ni Sorell ang paghinga. Mukha rin itong balak na lubayan siya kaya pagbibigyan niya na. Mahirap na dahil siguradong susunod ito sa mismong unit niya.
"Sige," sang-ayon ni Sorell. "Magkape ka para magising ka sa katotohanan."
Lalong natawa si Rosette, "gigisingin ko yang natutulog mong damdamin."
Napailing na lang si Sorell at inaya na ito sa malapit na coffeeshop pero deep inside ay naghahanap siya ng pagkakataong matakasan ito.
"Ikaw na umorder," utos ni Sorell.
"Ayoko, you'll find a way to ditch me."
Napailing si Sorell. She's smart for a crazy person. Nasanay na siguro sa mga tactics niya. Ilang taon niya na rin naman itong tinatakasan.
Walang nagawa si Sorell kung hindi pumila kasama nito. Self-service kasi ang coffeeshop. Ito ang pinagbayad niya at wala siyang pakialam sa reaksyon ng crew. Rosette is not his girlfriend.
"Salamat sa time," masayang sabi ni Rosette. "Let's get to know each other."
"Uminom ka na lang."
Maya-maya ay nakatanggap ng tawag si Rosette. It was from her dad at pinapauwi na ang babae. Dahil nakaloud speaker 'yun ay dinig ni Sorell ang usapan ng dalawa.
"Later, dad. I'm with your future son-in-law."
Ibinaba na ni Rosette ang cellphone at maarteng ininom ang kape.
Pulang-pula naman sa inis si Sorell, "Umuwi ka na nga. Hinahanap ka na ng daddy mo."
"Ayoko pa. Gusto pa kitang makasama."
Gigil na gigil si Sorell habang iniinom ang kape. Paano kaya matatakasan ang babaeng ito?
Lumipas ang ilang oras at gusto nang magteleport ni Sorell paalis sa lugar na iyon. Wala nang bukambibig si Rosette kung hindi ang nakaraan at kung paano niya ito iniligtas sa bully na kinakapatid. Iyon yata ang pinaka pinagsisisihan niyang araw sa buhay niya. Kailangan niya nang makaeskapo kung hindi masasapak niya na talaga ang babae.
Maya-maya ay muling nakatanggap ng tawag si Rosette. Inihanda na ni Sorell ang sarili para sa gagawing pagtakas dahil gabi na rin. Mahirap na at baka makitulog pa ito. Tatakbo na lang siya palabas ng coffeeshop para matakasan ang babae.
"Isa...dalawa..." bilang ni Sorell sa isip pero napatigil siya nang marinig ang boses ng isang matandang lalaki sa speaker.
"Ms. Northwood, your dad was sent to the hospital. He was ambushed by an unknown assailant. Where are you?"
Kinakabahang tumingin si Sorell sa dalaga pero nakatulala lang ito.