"Rosette," untag ni Sorelle sa dalagita. Kinabahan na rin siya dahil sa masamang balitang narinig.
"Ha?" tila naman natauhan si Rosette.
"He's in St. Jude's hospital. Susunduin ka ng driver," muling nagsalita ang nasa kabilang linya.
Si Sorell na ang nakipag-usap sa katiwala nila Rosette dahil tulala pa rin ito. Hanggang sa dumating ang sundo ang driver ay wala sa sarili ang dalagita at hindi man lang nagpaalam kay Sorell nang umalis sa restaurant. Nasundan na lang ito ng tingin ng binatilyo.
Palabas na ng school campus si Sorell kasama ang members ng basketball team nang makita si Rosette na parating. Ilang linggo rin itong hindi nagpakita. Narinig niya ang balita na nasa ICU ang daddy nito dahil sa hospital na pag-aari nila nakaconfine ang matanda pero bukod doon ay wala na siyang alam at wala rin siyang pakialam.
"Sorell,"masayang bati nito. Ito lang yata ang anak na masaya pa kahit malala na ang ama.
"Ano na naman?" wala sa mood na tanong ni Sorell. Nilagpasan niya lang ito pero sumunod pa rin ang babae.
"Pwede ba kitang makausap?" hiling ni Rosette.
"Bakit hindi mo na lang bantayan ang daddy mo?" Inis na tanong niya.
"Please, Sorell."
"May practice pa kami."
"Saglit lang naman,"hindi pa rin siya tinigilan nito at hanggang sa gym na pagprapraktisan nila ay sumunod ang babae.
"Kausapin mo na nga, Sorell," asar na utos ni Axell, ang team captain. "Para tumigil na."
Pigil ang inis na hinila ni Sorell si Rosette sa isang tabi.
"Ano ba talagang gusto mo?" hindi na napigilang magtaas ng boses ni Sorell. "Comatose ang daddy mo, paglandi pa din inaatupag mo."
Hindi nakasagot si Rosette.
"Ano bang gusto mong sabihin?"
"Gusto kita," pagtatapat ni Rosette.
Muntik nang batukan ni Sorell sa inis si Rosette.
"Rosette..."
"Ikakasal na ako," seryosong sabi nito. "Pero ikaw talaga gusto ko e."
"Tumigil ka na, pwede ba? Mas mabuti ngang magpakasal ka na para tumigil ka na sa panggugulo sa akin."
"Hindi pa ako handa," malungkot na sabi ni Rosette. "Hindi pa nga ako nagkakaroon ng maayos na debut. Ayoko pa."
"Rosette, ang mabuti pa, bumalik ka ng hospital at bantayan ang daddy mo. Kung anu-ano inaatupag mo e," tumalikod na si Sorell pero yumakap ang babae sa kanya.
"Ayokong magpakasal pero ito lang ang paraan para hindi mawala ang mga ari-arian ni Papa."
Napailing na lang si Sorell at kumalas sa pagkakayakap nito.
"Sana maging masaya ka. Mas mabuti ngang mag-asawa ka na para magmature ka naman kahit kaunti."
"Siguro mas magiging masaya ka na kasi wala ng mangugulo sa'yo at magiging masaya na kayo ni Shaina."
"Buti alam mo."
"Goodbye, Sorell."
"Umalis ka na nga. Kanina pa ako hinihintay ng mga teammates ko," pikon nang utos ni Sorell.
"Sorell..."
"Alis na..."
Pero hindi pa rin umaalis si Rosette.
"Tatawag ako ng police," banta niya. "Isa..."
Inis na inis na tumawag nga ng pulis si Sorell. Akala yata nito ay nagbibiro siya.
Dahil malapit lang ang police station ay may dumating ngang police.
Muntik nang matawa ang mga kaibigan sa ginawa niya. Hindi niya na nakita pa ang reaksyon ni Rosette dahil umalis na sila.
"May nakita akong transferee, gawan natin ng paraan para ma-recruit sa grupo," sabi ni Axell isang araw na nagmemeryenda sila pagkatapos ng practice.
"Anong course?" tanong ni Edwin. " baka graduating na, sayang lang effort nating i-train iyon."
"International marketing yata."
"Si Travis Lau? Third year lang iyon. Double major pa kaya medyo matagal pa grumaduate."
"Sige, invite namin sa practice one time," pangako ni Daniel.
Naglalakad sa pasilyo si Sorell kasama si Cyrille at pabalik na sa klase nang makasalubong ang isang matangkad na lalaki na medyo pamilyar ang mukha. Nagulat na lang siya nang makita kung sino ang kasama nito.
"Sorell Villareal?" masayang bati ng pamilyar na lalaki.
Kunot-noong napatingin siya dito.
"It's Travis. Travis Lau. Don't you remember me? We were friends back in Grade one."
"Of course, I remember you," masaya na ring bati ni Sorell nang maalala ang lalaki. Isinama pa nga siya nito sa bahay nito dati. Kaya lang isang taon lang ito sa Northwood at umalis na dahil nagmigrate sa Canada ang pamilya.
"Glad to meet you again, man. It's nice to see some familiar faces around. It's been years since the last time I was here."
"Are you going to study here again?" doon lang naalala ni Sorell si Rosette.
"I'm getting married," masayang sabi ni Travis. "Do you know my fiancé, Rosette Northwood? She's the daughter of the owner."
"H-hi," alanganing bati ni Rosette.
"You know each other?" curious na tanong ni Travis.
"Of course," natatawang sagot ni Cyrille. Natawa na rin si Sorell.
"We were batchmates in highschool,"maagap na sagot naman ni Rosette at inaya na ang lalaki, "Let's go, Travis."
"See you around, Sorell," paalam na ni Travis at kinamayan pa ito bago umalis pati na rin si Cyrille.
Nakayuko namang sumunod si Rosette sa lalaki at halatang nag-iwas ng tingin.
Hindi mapigilang matawa ni Cyrille at Sorell pag-alis ng dalawa.
"Mukhang nakahanap ng katapat ang bruha," tawa nang tawa na sabi ni Cyrille.
Naalala ni Sorell ang sinabing dahilan ni Rosette kaya magpapakasal sa lalaki. Well, siguro naman ay hindi na siya susundan nito. Sa wakas ay matatahimik na rin ang buhay niya.
"Sorell," nakangiting lumapit si Travis kay Sorell nang makitang kumakain ang binata. "What's up, man?"
"Hey," masaya naman itong binati ng binatilyo. "How are you?"
"I'm great."
"By the way, Axell, the basketball team captain wants you to join the team," naalalang sabihin ni Sorell.
"Sure, I'd love to try."
Napangiti si Sorell, "Cool."
"See you around," paalam na ni Travis.
Nakangiti namang tumango si Sorell. Siguradong matutuwa nito si Axell.
"Hey, I've been looking for you everywhere," nakangiting bati ni Travis kay Rosette.
Tila wala sa sariling tumingin lang sa kanya ang babae.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Travis.
Kahit halatang matamlay ay natawa si Rosette, "Nice tagalog accent."
Natawa rin si Travis, "Thanks."
Iniabot ni Travis ang dalang ice cream kay Rosette at nakangiti naman iyong tinanggap ng dalaga.
"Travis, are you really sure you want to marry me?"
Bahagyang natigilan si Travis pero maya-maya ay seryosong tumingin sa kanya, "I love my parents, Rosette and I'll do anything to make them happy. We both know why they wanted us to get married, to secure the future of the company. But I also want to be happy and I will not marry someone that I'm not in love with."
Hindi nakapagsalita si Rosette.
"It’s still your choice. I understand that we’re still young. You don’t have to love me. Let’s co-exist for the future of the company.”
Napatingin siya rito.
Travis might not be as handsome as Sorell but he's a good guy. Iba sa mga lalaking nakilala niya.
“I’ll marry you,” nakangiti nang sabi ni Rosette.
Masaya na silang bumalik sa klase.
Hindi naman maiwasang malungkot ni Rosette. Sana ganoon kadaling matutunan ang pagmamahal.
Pero buo na ang kanyang pasya, magpapakasal na siya kay Travis at susubukang mahalin ito.
Sa pagdaan ng mga araw ay lalo silang naging malapit ni Travis sa isa't-isa. Kasabay naman noon ang lalong paglala ng kalagayan ng kanyang ama. Gusto tuloy magsisi ni Rosette dahil mas pinili niya si Sorell at binabaan lang ng telepono ang ama nang subukan siyang kausapin nito. Iyon na pala ang huli nilang pag-uusap.
Hindi pa rin niya ito nadadalaw simula nang ma-confine ito sa hospital. Wala siyang lakas ng loob na puntahan ito.
Gabi na nang umuwi si Rosette sa kanila galing sa date nila ni Travis. Magkahawak-kamay pa sila nang pumasok sa loob ng mansyon.
"Are you sure you want me to come?" nag-aalalang tanong ni Travis. "You look tired. You should take some rest."
"I'm fine," masiglang sabi ni Rosette. "You should eat dinner here before you leave."
Magiliw namang nagpaunlak si Travis.
Nagulat si Rosette nang makita ang kanilang attorney sa sala kasama ang stepmother na si Fiona at ang titang si Savannah.
"Have a sit, Rosette," utos ni Savannah.
"I'm hungry," walang pakialam na sagot ng dalaga.
"Don't try me, young lady," babala ng tyahin at akmang susugurin siya nang pigilan ito ni Flora.
"Savannah..." mahinahong saway nito at nilapitan si Rosette.
"Rosette, please, kailangan ka naming makausap," hiling ni Flora. "May kailangan kang malaman, anak."
"For heaven's sake, huwag mo akong tawaging anak," inis na sabi ni Rosette na walang nagawa kung hindi umupo sa sala kasama ng mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng kagaspangan ng ugali niya ay mabait pa rin ang madrasta sa kanya. She hates that.
"Travis, ang mabuti pa mauna ka na sa dining area," sabi ni Flora.
"No," tutol ni Rosette. "He will stay here with me."
Tumikhim si Attorney Lacson kaya natahimik ang lahat.
Nakita niya ang pagngisi ni Savannah pero hindi niya na lang pinansin iyon.
"Ms. Northwood," simula ng matanda, "you're aware of the condition of your dad. Alam nating lahat na hindi na siya magtatagal."
"No, I don't know anything about that," pigil ni Rosette sa iba pang sasabihin nito. "Ang alam ko, comatose lang siya pero buhay pa siya."
"Ms. Northwood..."
Mapait na natawa si Rosette, "seriously? Bakit ba kayo nagpatawag ng meeting? Para paghatian na ang kayamanan ng daddy ko? Hindi pa patay si Daddy. Huwag kayong excited."
Tumayo na si Rosette.
"Ms. Northwood..." may sasabihin sana si attorney nang biglang sumabat si Savannah.
"Ross is not your dad. You're adopted," sarkastikong sabi ng matandang babae.
Natigilan si Rosette.
"Tama ka. The purpose of the meeting is about Ross' last will of testament which unfortunately, hindi ka kasali. Ross made it sure na walang mapupunta sa'yo kahit isang kusing."
Tumingin si Rosette kay Atty. Lacson na tila tinatanong kung totoo ang sinabi ng tiyahin.
Deretso itong tumingin sa kanya, "You need to leave from this house as soon as possible. Ms. Savannah will be the new caretaker of the house. All the other asset of Mr. Northwood na nakapangalan sa kapatid niyang si Cassandra ay si Ms. Savannah rin ang mamamahala for the meantime hanggang sa mahanap ang nawawalang pamangkin ni Mr. Northwood. All the money in the bank and other properties na nakapangalan kay Mr. Northwood including Northwood University will go to Mrs. Flora Northwood bilang asawa. Iyon ang nakasaad sa last will and testament ni Mr. Northwood."
Hindi makapaniwala si Rosette. Kahit nararamdaman niyang hindi naman talaga siya minahal ni Ross, nasaktan pa rin siya nang malamang hindi pala siya tunay na anak nito. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero gusto niyang tumakbo palayo roon.
"You can stay with me, Rosette," sabi ni Flora. "Hindi mo kailangang umalis."
"N-no," nagsimulang maglandas ang mga luha ni Rosette. "No! You're not my mom! Hindi kayo ang pamilya ko. Hindi ko kailangan ng pera niyo!"
Napailing si Savannah, "She's not my sister's daughter. A woman without class does not belong to our family."
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Rosette.
"Para 'yan sa lahat ng sakit ng ulo na inakyat mo sa bahay na ito," galit na dag-dag nito.
"That's enough," hindi na nakatiis si Travis at inilayo na si Rosette. "Let's go, Rosette."
Tila nawala ang lakas ni Rosette at walang imik na sumunod kay Travis.
Dahil nahihiya siyang sumama sa bahay nila Travis, nagpahatid na lang siya sa best friend na si Charmaine. First year college na rin ito sa Northwood University.
Hindi makapaniwala ang babae sa nalaman at naaawa siyang niyakap nito. Inalok siya ng kaibigan na sa kanila na tumira dahil wala itong kapatid pero tumanggi siya.
Magkaibigan ang ina nito at si Savannah. Ayaw niyang madamay ang mga ito sa gulo.
Sapat nang napatunayan niyang tunay itong kaibigan. Masaya siya dahil may mga tao pa ring tunay na nagmamahal sa kanya. Katulad ni Travis.
Tatlong araw bago nagkaroon ng lakas ng loob si Rosette na pumasok sa school sa payo na rin ng mga magulang ng kaibigan. Pumayag naman itong sa kanila na tumira si Rosette para na rin magkaroon ng kapatid ang anak.
Dahil nahihiya ay pumasok sa school si Rosette kahit alam niyang nakarating na sa iba ang tungkol sa pagiging ampon niya.
Agad niyang hinanap si Travis. Tatlong araw na rin kasi silang hindi nagkikita at nakapatay ang cellphone niya.
Gusto niyang magwala nang makitang may kasama na itong babae at holding hands pa ang dalawa. Exchange student yata ang babae dahil ngayon niya lang nakita.
"What's the meaning of this?" galit na tanong ni Rosette.
Napatingin ang kasamang babae ni Travis sa lalaki.
"Let's just go," hindi makatingin nang maayos na aya ni Travis.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki.
"Rosette, please," nakatungong saway nito. Hindi niya alam kung nahihiya o naaawa ito sa kanya. "Just leave me alone."
Niyakap ni Rosette ang lalaki, "I thought you love me."
Hindi nakasagot si Travis.
Dumating ang mga kasamahan ni Travis sa varsity para ayain ang lalaki. Gusto maiyak ni Rosette. Close kasi ang bagong girlfriend ni Travis kila Axell samantalang siya ay hindi pinapayagang sumama sa mga ito.
"Travis..." hahabulin pa sana ni Rosette si Travis nang lapitan siya ng principal.
"Ms. Northwood... I mean... Rosette, I want to talk to you," pormal na sabi nito. "Follow me in my office."
"Nakarating sa amin ang order galing sa may ari ng school. The owner's family is now the new chairman dahil sa nangyari kay Mr. Northwood,” simula ng principal nang makapasok sila sa loob ng office.
"Huwag na kayong magpaliguy-ligoy pa," hindi napigilang sabat ni Rosette.
"Unfortunately, dahil walang order mula sa may-ari, hindi ka na namin pwedeng i-admit bilang estudyante since nalaman din namin na hindi ka naman tunay na anak ni Mr. Northwood."
Hindi nakakibo si Rosette. Okay lang naman kahit hindi na siya mag-aral. Lalo na sa university na ito na pera lang ang umiikot.
"From now on, you're no longer a student at this university. Please surrender your school i.d."
Walang imik na inilabas ni Rosette ang kanyang i.d. mula sa wallet at ipinatong sa mesa ni Dean Yap at pagkatapos ay walang paalam na umalis.
"Are you okay?" nagtatakang tanong ni Sorell kay Travis nang makita niyang wala ito sa sarili.
"Break muna," narinig nilang sigaw ni Axell kaya nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap.
"I'm fine," matamlay na sagot nito pagkatapos ay marahas na napabuntong-hininga.
"You don't look fine to me," hindi napigilang matawa ni Sorell habang nagpupunas ng pawis.
Biglang tumayo si Travis at may kinuha sa bag.
Nagtataka si Sorell nang abutan siya nito ng bungkos ng pera.
"Give this to Rosette, please."
"What?" nagtatakang tanong ni Sorell.
"Tell her I'm sorry. My parents cancelled the wedding when they found out that Rosette is not the real daughter of Uncle Ross. They did not want me to marry her even if I wanted to. Tell her, I'll fight for her someday. Tell her to take care of herself..."
Napailing na lang si Sorell at tinalikuran ang lalaki. Kalalaking tao, masyadong madrama.
"Sorell, please."
"Go fight for her now. Why do you have to do it someday? You're not fifteen, for Christ sake."
"My grandmother has cancer," malungkot na pagtatapat ni Travis. "I don't want to upset my family now. Please, man. I thought we're best friend."
Hindi alam ni Sorell kung kanino maiinis. Kay Rosette na hindi deserving sa pagmamahal ni Travis o kay Travis na duwag at sunud-sunuran sa mga magulang.
"You're still young. You'll find a girl better than her," inis na sabi ni Sorell. Hindi siya masamang tao pero hindi niya mapigilang isipin na karma ang nangyari sa babae.
Hindi na kumibo si Travis at bagsak ang balikat na naupo sa bench.
Napailing na lang si Sorell at kinuha ang pera mula sa lalaki.
"Go and join the practice," utos ni Sorell kay Travis. "I'll give this to Rosette."
Palabas na ng school si Rosette nang makita ni Sorell. Agad niyang tinawag ang dalaga at nagtataka naman itong huminto.
"Bigay ng dyowa mo," matabang na sabi ni Sorell sa babae.
Tumingin lang si Rosette sa pera na tila walang balak na kunin iyon.
"Kunin mo na nang makaalis na ako," asar na utos ni Sorell.
"M-matagal na ba sila ng girlfriend niya?" tila nahihiyang tanong ni Rosette.
Napabuntong-hininga si Sorell. Sa tagal ng panahon nilang magkakilala, ngayon niya lang nakitang ganitong kaseryoso si Rosette.
"Two days pa lang."
Tumalikod na si Rosette at muling naglakad. Hinabol naman ni Sorell ang babae.
"Hoy, kunin mo na ito."
"I don't need his money."
"Don't blame him. Sumusunod lang siya sa mga magulang. Kahit ako ang magulang ni Travis, hindi ako papayag na makasal sa katulad mo ang anak ko."
Tumingin sa kanya si Rosette.
Natigilan naman si Sorell. Nasobrahan yata siya sa pang-aasar.
"Joke lang. Mahal ka ni Travis. Kaso syempre gusto ng parents noon, mayaman maging asawa niya."
"Hindi ko kailangan ng lalaking walang paninindigan."
"Choosy ka pa."
Lalong bumilis ang mga hakbang ni Rosette kaya hindi niya na nahabol pa.
"Bahala siya," inis na sabi ni Sorell sa sarili.
Napatingin siya sa hawak na pera. Limang libo lang iyon. Baka isang araw lang gastusin ni Rosette iyon e. Nakulangan siguro ang babae kaya hindi tinanggap.
Sasabihin niya na lang kay Travis na tinanggap iyon ni Rosette. Natatawang pumunta si Sorell sa canteen at umorder ng meryenda. Gutom na siya. Hindi na siguro malalaman iyon ni Travis dahil mukhang wala nang balak kausapin ni Rosette ang lalaki.
Iyon na ang huling beses na nakita ni Sorell si Rosette hanggang sa grumaduate siya ng college.