Gabriel's POV Nagulat ako ng marinig ko ang sinabi ni Miguel na pinsan nila si Amara, buong paniniwala ko ay magkasintahan si Amara at Michael, dahil 'yun din ang pagpapakilala ni Michael ng sugurin nya ako ng suntok sa hotel room ni Amara. Pero ang tukmol na Michael na 'yan ay pinaniwala lamang pala ako para iwasan ko si Amara. Ilang araw na din ang lumipas ng mangyari ang gulo na kinasangkutan ni Amara. Nakabalik na din kami ng manila at ngayon nga ay naghahanda ako dahil ngayon ang araw na pupuntahan ko si Amara sa kanila at papanhik ng ligaw. Gagawin ko ang lahat upang mahalin n'ya akong muli. Magpapakilala ako sa kanyang mga magulang. Kinakabahan man ako ngunit sobrang kaligayahan naman ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Habang papalapit ako sa address na binigay ni Isaac ay

