Amara's POV Isang linggo na ang lumipas mula ng mamanhikan si Gabriel sa bahay namin, nakakatawa ngang isipin... sinong sira ulo ang mamanhikan sa magulang ng babae ng wala naman kayong relasyon? Haaay si Gabriel lang talaga yan! Napapangiti ako ng biglang pumulupot ang kamay ni Gabriel sa baywang ko. "Ano ba iniisip ng mahal ko?" Wika nya sa akin. "Wala may naalala lang ako." Sagot ko naman dito. Bigla syang natahimik at inalis ang kamay sa pagkakahawak sa akin. "Oh, bakit busangot yang pagmumukha mo, tignan mo oh pumapangit ka." Pang aasar ko sa kanya. "Hmp, sino ba kasi yang iniisip mo at napaka sweet ng ngiti mo." Nakanguso nyang ani sa akin kaya naman natawa na ako dito, napaka seloso talaga ng nobyo ko. "Asuuus at nagseselos pa ang loko!" Wika ko sa kanya at kiniliti ko sya s

