Gabriel's POV Maaga akong gumising upang makapag handa sa pagpasok sa aking opisina para pagkatapos kong gawin ang mga importanteng bagay na dapat kong tapusin ay pupuntahan ko na si Amara. Ngunit isang tawag ang pumukaw sa akin. Tinawagan ako ng mga tauhan namin sa airport at sinabing may flight si Amara patungong Boracay at may kasamang dalawang lalake. Mabilis kong tinawagan sila Isaac upang samahan ako patungong boracay, tuwang tuwa ang kumag ng malaman na pupunta kami ng boracay. "Bro are you available today?" Wika ko "Why?" Ani naman ni Isaac. "We are flying to boracay today." Wika ko dito. "Woah I'm in!" Excited nyang sagot sa akin. "Okay bro, call the others and meet me at the airport at 10 am sharp." Wika ko at pinutol ko na ang pag-uusap namin, mabilis akong bumalik sa i

