Amara's POV Kasama ko ang dalawa kong pinsan na si Michael and Miguel. Napagkasunduan naming mag bakasyon sa Boracay habang wala pa kaming masyadong ginagawa dito sa Pilipinas, hindi ko pa rin naman hawak pa ang negosyong sinasabi ni mommy na ipapasa sa akin ni lolo at lola kaya habang wala pa kaming ginagawa ay magpapakasarap muna kami sa pamamasyal. "Amara, here is your room key card, room 309 ka and 308 kay Miguel 310 naman ang sa akin." Wika ni Michael at masaya na kaming dumiretso papasok sa elevator. Pagkapasok ko sa room ko ay nagulat ako sa ganda at laki nito, yeah it is indeed a presidential suite! Hinawi ko ang malaking kurtina na tumatabing sa magandang view ng karagatan at tumambad sa akin ang napakagandang tanawin. Namangha ako sa ganda ng view kaya naman tuwang-tuwa ako.

