Gabriel's POV Maaga akong nagising, tulad ng nakagawian ko na tuwing ako'y gigising sa umaga ay bubuksan ko ang aking phone upang titigan ang aking nakaw na kuhang larawan ni Amara habang sya ay natutulog nuon sa living room. Napangiti ako dahil ngayong nasa malapit ka na lamang ay hindi ko na hahayaan pang makawala ka sa akin. 'Hahanapin kita Amara, wala akong pakialam kahit saang lupalop pa ako makarating ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mahanap at makausap kita, ipapaliwanag ko sayo ang lahat kung bakit nagawa ko ang mga bagay na yon sa'yo Amara. Sa apat na taon na nawala ka naging mahirap para sa akin ang una at pangalawang taon na wala ka sa piling ko. Naging tanga ako sa pag-aakalang ang pagkikita namin ni Cassie ang magiging susi upang maging masaya akong muli pero isa pala i

