Chapter 2

1356 Words
Third Person's POV "Mag-iingat kayo du'n ah. Lagi kayong hahawak sa kamay ni ate Maricel niyo baka mawala kayo," laging pinapaalala ni Alex sa kaniyang anak na lagi itong hahawak sa kamay ni Maricel. Ang nagsisilbing Nanny ng mga bata dito sa Pilipinas. Pupunta kasi ang anak niya sa kids show, tutal mahilig kumanta si Sandra, pinilit niya talaga 'yung kuya niya na sumama sa kanya bilang suporta dahil twins naman daw sila. Gusto mang sumama ni Alex ay 'di niya na ginawa dahil babalik s'ya ngayong Singapore para asikasuhin 'yung tambak niyang trabaho. Emergency kasi iyon dahil may panibagong kontrata na naman s'ya. Babalik rin naman agad si Alex pagkatapos niyang permahan 'yung papers niya. Naunawaan naman s'ya ng anak niya, kaya hindi na s'ya nahirapan, tanging si Maricel lamang ang pinagkatiwalaan nila na magba-bantay sa mga bata. Wala rin 'yung Mommy ni Alex, may ginagawa din s'ya at isa pa ayaw nu'n sa maingay dahil may sakit 'yun, gusto nga sumama ng lola nila pero tumanggi ang mga bata baka daw aatakehin si lola. "Ipasalvage ko 'yung pamilya mo Maricel pag may nangyari sa anak ko," panigurado muli ni Alex sa Nanny nito. Natawa na lang si Maricel dahil sobra talaga itong nag-alala. Hindi niya masisi si Alex dahil mahal talaga nito ang anak niya. "Wag po kayo masyadong mag-alala Ma'am. Ako na bahala sa anak ninyo Ma'am." "'Buti na 'yung nagkaka-siguraduhan." Yumuko si Alex at binigyan ng halik 'yung anak niya sa pisnge at noo, tapos hinatid niya sila papasok sa loob ng kotse, at nagpaalam na. Habang papalayo ang kotse na sinasakyan ng anak niya hindi niya mapigilan na mangamba. * Nakarating ang kotse nila sa isang napakalaking kompanya na nangangalang, R.C Tuwang-tuwa si Sandra nang pababa na ito sa kotse, marami kasi siyang nakikitang mga bata na nagau-audition rin dito, hindi man lang s'ya kinabahan habang papasok na sila ng elevator, habang 'yung mga kasakay nila panay payo nila sa anak nila na wag sila kabahan, dapat confident lang para daw makuha. Tahimik lang naman si Sander, suot nito 'yung cap niya na red at may headset pa, wala talaga siyang pakialam sa mundo niya. Nang tumunog na 'yung elevator, bumungad sa kanila ang isang napakalaking stage, maraming mga batang naglalaro sa gilid tapos may iba pa na nagpra-praktis sa kanta nila, pero si Sandra, umupo lang s'ya sa upuan katabi nito ang kambal niyang walang pake sa mundo. "Ang daming bata, kinakabahan kaba Sandra?" tanong ni Maricel kay Sandra 'saka ito tumingin sa mga bata. "Bakit po kakabahan ate Maricel? Sabi ni Mommy be confident lang." Namana talaga nito ang genes ng nanay niya, walang pagalinlangang tumango si Maricel. Nag simula na rin 'yung pag aayos sa mga bata, hindi na inayusan si Sandra dahil maganda na ito. Pati 'yung stage naka ready na rin. "Hintayin muna natin ang ating CEO. Are you still there kids?!" "YESSS!!" "Nakakatuwa kayo kids! Dami niyong energy!" Nagsitawanan lang 'yung mga nanay ng mga bata pwera lang kay Maricel, Sandra at Sander na tahimik na nakatingin sa pinto. Bigla kasi 'yong bumukas. "He's here! Please let's all welcome SENDRIX ROSWELL the CEO of ROSWELL COMPANY!" Nagsipalakpakan 'yung mga tao, ganu'n din sila Maricel at Sandra pumalakpak, pwera na lang din kay Sander na kanina pa nakasapak 'yung headset niya sa tainga niya. Wala talaga siyang pakialam. Nakatayo si Mr. Sendrix sa stage, hanggang ngayon hinahangaan parin s'ya ng mga kababaihan, hindi parin kasi kumukupas 'yung mala-adonis nitong pagmumukha at makikisig nitong pangangatawan. Nag-iisa siyang umakyat sa stage 'saka kumaway lang sa mga tao, after that, bumaba s'ya at umupo sa judge chair. "Kailangan ma-amaze 'yung Ceo nila ah, galingan mo Sandra," "Copy ate Maricel." "Tsk still confident huh? Are you sure about this thing Sandra? You're just wasting your time here." "Shut up! Sander! Nandito ka para supportahan ako hindi sumbatan. Tch!" "Whatever." Inirapan niya na lang si Sander at humugot ng malalim na hininga. Minsan na nga lang mag salita 'yung kambal niya, nang-iinis pa. "Ganyan ba talaga kayo?" "What do you mean? Ate Maricel?" "Lagi ba kayong nag-aaway?" "Hindi naman lagi ate Maricel, papagalitan kami ni Mommy pag nag-aaway kami eh." "Ah ganun ba? Pero pansin kong ang hilig mo na sa tagalog? Pero itong kambal mo abay ewan ko lang." "Are you talking to me Maricel?" nagulat si Maricel dahil sa paraan ng pananalita ni Sander sa kanya. Natahimik ito sandali dahil sobra pa sa yelo 'yung pagka-kasabi niya. Ang lamig ng boses ni Sander. "H-hindi ah," "Glad to hear that, I hate chismosa pa naman." Natahimik na lang silang dalawa ni Sandra at 'di na muling nagsalita baka e-echos na naman si Sander. Wala silang nagawa, naghintay lang sila na tawagin 'yung susunod na numero. "Number 28 proceed." Napatayo bigla si Sandra at pinakita 'yung numero na nasa damit niya, sumenyas ang emcee na lumapit s'ya, agad naman siyang lumapit, at todo ngiti pa s'ya sa camera. Be confident daw kasi. "What's your name baby girl?" tanong ng emcee sa kanya "I'm Sandra Faye Montera." "Oh you're a Montera? Kaano-ano mo si Alicia Montera?" tanong muli ng emcee. "She's my Grandma." nakangiting sagot ni Sandra sanhi nang pag ismid ni Sendrix sa kanyang kinauupuan. Nakatitig lamang s'ya sa bata habang sinenyasan 'yung emcee na mag tanong pa s'ya sa bata. Kamukha kasi nito 'yung babaeng nabuntis daw niya, pero hindi niya na nakita ang babaeng 'yun matapos siyang iwan sa office na tulala at lutang. "Wow how? Diba iisa lang ang anak ng Grandma mo? Sino nga ulit 'yon?" "She's my mo..." Hindi natapos ni Sandra 'yung pagsasalita niya dahil may umagaw ng mic, at 'yun ay ang kapatid niyang si Sander. "Sander? What are you doing here?" "Ow who is he?" "I'm her twin Mister." sagot ni Sander sa emcee. "So mag audition ka b..." napatigil ang emcee ng mapagtanto ang mukha ng batang lalaki, parang nakita niya na ito, kamukhang-kamukha nito ang kanilang Ceo. Agad na lumingon 'yung emcee kay Ceo Sendrix. "Namamalikmata lang ba ako? My gosh! Bakit kamukha mo si Sir SENDRIX?!" Nagtaka naman si Sander lalo na si Sandra. Pati si Sendrix napatayo sa kanyang upuan at mabilis na umakyat sa stage para kumpirmahin kung totoo ba 'yung sinabi ng emcee. "What?" "Hi Sir, look at him Sir parang ikaw lang n'ung bata ka pa, kaano-ano niyo po ang batang 'to?" Napahinto si Sendrix nang makita ang buong mukha ni Sander, tila tumigil ang pag t***k ng puso niya nang taasan s'ya nito ng kilay, gusto niyang matawa dahil may kamukha niya noong bata pa s'ya, imposible naman na anak niya ito. Hindi niya kilala ang Mommy nito, 'saka hindi niya rin kilala ang babaeng na buntis niya. "Yeah you look like him twin," "Shut up Sandra, let's go home." Akmang hihilahin na sana ni Sander 'yung kamay ni Sandra nang mag -salita ang emcee. "Opps we're not done yet baby boy," "You shut up too! And I'm not a baby boy!" Tila nalaglag ang panga ng emcee. Ramdam ni Sendrix ang pagkahumaling sa batang nasa harapan niya ngayon, muling humarap si Sendrix kay Sandra. at bumalik sa kanyang alaala 'yung babaeng pinilit siyang panagutan ang pag bubuntis niya. She's one of the Montera. Naalala niya rin 'yung deal nila, pero hindi s'ya mapatinag, kung anak niya man 'to, gagawin niya lahat para maagaw lang sila. "How old are you?" tanong ni Sendrix habang nakatingin kay Sander. "4 same with my twin." "Fvck!" malutong na mura ni Sendrix 'saka ito nagmadaling bumaba. ** "Hello Mr. Roswell? What can I do for you?" "We need to talk right away. Go to my office I have something to discuss with you, hurry up!" "Are you sure about this Sendrix?" tanong ni Felicia kay Sendrix na ngayong nakatingin lamang sa sarili nitong laptop. "You are facing a war Sendrix! Hindi ka talaga nag-iisip!" "Get out and back off Felicia, I don't have much time to talk with you." malamig na sagot ni Sendrix. "What?! Pinaalahanan lang naman kita! Think your action first!" "What do you care anyway! This thing is important to me! You are just nothing!" ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD