Chapter 1

1245 Words
It's been 5 years left since I got here, nasa Alaska ako ngayon, with my twins. Simula nu'ng niluwal ko sila para bang naging mas makulay 'yung namumutla kong buhay noon. Sila 'yung binigay sa'kin na dahilan para mabuhay pa ako sa mundong 'to, ng matagal. Akala ko nga noon hindi ko sila mailalabas sa sinapupunan ko dahil ang dami kong problema na dinanas noon. Lalo na sa pamilya ko, nalaman nila na buntis ako at ayun tinakwil ako, pero nag bago ang lahat ng sinilang ko ang mga anak ko. Nawala rin 'yung pinaka-iingatan kong career which is pagmo-model, but now? Nag tra-trabaho na ako sa Kompanya namin, I'm a Ceo, may sarili kasing company ang Montera, apelyedo namin iyon, ako na ang nagha-handle dito sa Alaska, kasama ko 'yung twins ko. Model din pala silang dalawa sa Kompanya ko, kinuha ko sila bilang model para sa bagong damit na ipreresenta sa buong mundo. Hindi na ako nahirapan dahil artestahin naman iyong mga anak ko. Minsan nga marami pang nag-iinvite sa kanila na sumali sa tv shows, advertise, syempre opportunity na 'yun. Kaya lang nang marinig ko kung saan ang location. Parang tumigil lahat ang mundo ko, ayokong magkita sila ng ama nila dahil hanggang ngayon? Nandidiri parin ako sa kaniya. "Mom where's my shoes?" That's my son. Meet him, Sander Louise Montera, medyo snobber 'yan at may pagka-maldito. "Comb my hair Mom." By the way, that's my daughter, meet her. Sandra Faye Montera, childish 'yan at marunong 'yan manuntok. "Mom! I'm in hurry! We are late na po!" Napatalon ako sa kinatatayuan ko at nilapitan 'yong masungit kong anak na lalaki. Parang nag mana sa sama ng loob ng tatay nya! Arghhh. Kinuha ko ang sapatos niya na nasa ilalim ng cabinet, siguro tinago na naman 'to ni Sandra. Medyo palaasar rin kasi 'tong si Sandra kaya lagi ko silang nakikita na nagbabangayan or di kaya nagsusuntukan. Kambal nga. "Suotin mo na 'yang sapatos mo, you're a big boy na." Napatango naman s'ya sa sinabi ko, kunot noo pa siyang humarap sa sapatos. Pero ngumiti na lang ako 'saka nilapitan 'yung maganda kong prinsesa. "Come here Sandra, I'll comb your hair na." sabi ko at agad naman siyang tumalon sa sofa 'saka umupo sa kandungan ko. "Childish!" Inirapan lamang ni Sander 'yung kambal niya dahil sa pagiging makulit na naman ni Sandra. Sarap tuloy nila kuhanan ng litrato habang nagbabangayan. "Mom, you told us na pupunta tayo kila Grandma and Grandpa, kaya nag prepare na kami." Napahinto ako sa pagsuklay ng buhok niya dahil narealize ko 'yung mga pinagsasabi ko. Nasa Pilipinas 'yung parents ko, and damn! Kasasabi ko lang na baka magkita sila ng Dad nila? Ano na ang gagawin ko ngayon?! Bakit di ko 'yun agad pinag-isipan? "What is that face Mom? Don't tell me you don't want to go there?" "You promised Mom, please, please." What the! Ano na ang gagawin ko ngayon? "You're hiding something Mom," Napapitlag ako nang maramdaman kong nasa tabi ko na si Sander at mataimtim akong tiningnan. Minsan talaga kinakabahan ako sa katalinuhan nitong anak ko, ang talino niya kasi, hindi naman ako matalino pero matataas naman 'yung mga grades ko. Nakapagtataka lang kasi eh, 4 years old pa lang ang twins ko pero daig pa ako kung magsalita. Do I have a choice? "Alright it settled then. Hintayin niyo 'ko dito, magpre-prepare lang ako." Wala na akong nagawa kundi pilit na umakyat ng hagdan hanggang sa nakarating ako sa kwarto ko, umupo ako sandali bago ako kumilos, siguro naman hindi agad sila magkikita right? At malinaw na sa akin at sa kanya na wala ng pakialamanan. Walang problema? Kaya lang iba 'yung pakiramdam ko dito. Matapos kong ligpitin lahat 'yung gamit ko at gamit ng mga anak ko, kinuha ko ang cellphone ko 'saka kinontack ang sekretarya ko na hindi ako makakapasok ng ilang araw dahil uuwi kami sa Pilipinas. May tiwala naman ako sa kanila kaya no need to worry. Pagkababa ko nadatnan ko si Sander na himbing na himbing natutulog sa sofa habang nilaglagyan ni Sandra ng kumot ang kapatid niya. Ngumiti ako ng palihim dahil ang sweet nilang tingnan. I pressed the camera button 'saka sila kinuhanan ng litrato, dahan-dahan na din akong bumaba. "Tulog mantika ka talaga kuya!" "Let's go babies!" "Mom how about Sander?" "I'll carry him." Kinuha ko na si Sander sa sofa at kinalong ko na ito, hinawakan ko sa kabilang kamay si Sandra. Wala kasi akong kinuha na maid mahigit na ilang taon. Ako lang 'yung nag-aalaga sa kanila, pero pursegedo naman ako para lang bantayan sila. See you again.... Mr. billionaire? *** "Mga apo ko!" "LOLA!" Napatawa na lang ako ng mahina dahil sabay silang tumakbo papasok ng mansyon para lang yakapin ang lola nila. And about my Dad? Hindi ko alam kung nasaan s'ya. I don't care anyway. "Ito ba ang Philippines Lola?" tanong ni Sandra kay Mommy. Sandali lang akong tumingin sa kanila, at nauna na akong pumasok dahil aayusin ko pa ang mga gamit namin dito sa mansyon. "Why is so hot here?" pag-eechos naman ni Sander. "Mainit talaga dito apo." "Kahit na mainit dito, I like Philippines parin lola." masiglang saad ni Sandra at mukhang sanay na nga itong mag tagalog, may binabasa kasi siyang tagalog words. Ang dali lang naman sa kanya kaya agad niya 'yung natutunan. Si Sander naman, wala siyang balak na mag learn ng tagalog language, pero minsan naririnig ko 'yang mag tagalog, minsan nga lang. kuripot 'yan sa word eh. "Oww really? Well how about you Sander? Apo?" "Tch! I'd still like USA." pag ma-maldito nito tapos nag martsa na s'ya papasok, naiwan si Sandra at si Mommy na sabay na umiling tapos sabay na tumawa. Mga baliw talaga. "Headed brat." "Ganyan talaga s'ya lola he always like that, lola. Acting like he's older than us. Mas matanda pa nga ako sa kanya lola." "Hayaan mo muna s'ya baka napagod sa flight ninyo." "Alright lola." *** "What's your plan now, Alex?" "Mom gusto kong mapag-isa ngayon, ayokong pag-usapan ang tungkol sa tatay nila. I'm not yet ready to face him." "Be ready Alex. Be aware of that, alam mo bang ikakasal na s'ya ngayon?" Matagal ko nang alam na may plano na siyang pagkasal. Noon pa man, kaya niya nga kami iniwan kasi may girlfriend pala iyong tao, at magpa-pakasal na sila ngayong buwan, ayokong manira ng buhay ng isang tao. Kaya habang hindi pa nila hinahanap 'yung tatay nila, Wag ko munang isipin ang ganung bagay "I know Mom, ayoko rin naman na ipagsiksikan 'yung sarili ko. May deal na kami at sapat na 'yun para mawalan s'ya ng responsibilidad sa mga anak niya." "He's a billionaire Alex. Para sa kanya pera lang ang makakapagbigay sa kanya ng gusto niya," I know I know! Who cares anyway? Wala akong pakialam sa pera niya! Mayaman din naman kami at kaya kong ipaglaban 'yung anak ko mula sa kanya, wala na siyang karapatan sapat na 'yun. "Hindi bagay ang mga anak ko para bilhin lang gamit ang pera niya, wala akong pakialam sa kanya. Kung mag-away man kami sa korte lalabanan ko 'yun, I have my own money at kaya ko siyang patumbahin sa anumang meron s'ya ngayon. But habang hindi pa nila hinahanap 'yung ama nila, tatahimik muna ako." "How can you be so sure Alex? Paano kung magkita sila?" "Stop Mom, that's enough let's not talk about this." Hindi maari. *** Year 2017-2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD