Tokyo, Japan Sa isang malaking stadium na dinadaluhan ng mahigit kumulang labing-limang libong tao, nagsisimula ang Olympics na pinangungunahan ng pagdiriwang para sa naturang pagbubukas para sa taong ito. Isa isang pumunta sa gitna ang lahat ng kalahok bit-bit ang watawat na siyang nagrerepresinta sa kanilang bansa. Patuloy ang hiyawan at lahat ay hindi magkamayaw sa masayang ekspresyon na kanilang nadarama. Samantala, sa kabilang banda, may nagaganap na lihim na transaksyon sa isang abandonadong gusali ilang kilometro ang layo sa maingay na stadium. Mahigit 100 katao ang naroroon, lahat ay nakasuot ng three piece suit at lahat ay armado ng matataas na de-kalibreng mga baril. "Mr. Hittori." - pilyong ngisi ng lalaki na may suot na sombrelo na pang mafia. Ito ang nagmimistulang leader

