Bound To Betray You. Davao, Philippines 24:00 / PH Standard Time THIRD PERSON'S "I'm on position." - sabi ni Virus sa dalawang kasama through transmitter na nakalagay sa mga tenga nila, pagka-puwesto pa lamang nito sa rooftop ng mataas na abandonadong gusali ay agad na nitong binuksan ang laptop at sinimulang i-manipula ang system. Nilabas din niya sa kaniyang bag ang isang signal jammer at agad iyon in-activate upang hindi na makapag contact pa ng back-up ang kalaban. Naghanda sa kotse ang dalawang nilalang na naghihintay na lamang ng senyas ni Virus. Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tahimik na lumapit sa kalapit na mataas na bakod at tsaka ito inakyat, at walang ingay na tumalon pababa. Mabilis na nagtago ang dalawa sa dilim, mula sa anino ng malalaking puno sa paligid. "Estimate

