FIRST Mabilis akong umatras upang mailagan ang kadenang tatama dapat sa akin. Kinuha ko ang shuriken ko ibinato ito sa leeg ng susugod sa akin mula sa kaliwa. Agad akong napatalon ng may maramdamang bagay na tatama sakin, at ng sigurado akong nasa itapat ko na ito ay mabilis kong inangat ang paa ko para sipain ito palayo. Mabilis akong tumungo sa puno upang mabilis magtago. Kaagad kong kinuha ang natitirang magazine na hawak ko at kinarga ito sa pistol ko. Mabilis akong yumuko dahil muntik na akong tamaan ng bala na hindi ko alam kung saan nagmula. Ng matapos, maigi ko munang pinagmasdan ang paligid. "f**k!" Napatingin ako sa gawi ni Virus na biglang natisod dahil sa makapal at mataas na ugat ng puno. Tanga talaga to! Napailing na lang ako. May kaonti narin itong galos sa pisnge pero y

