CAPTURED Third Person's "Sigurado kaba na wala kang gagawin?" Seryosong tanong ni Dr. Presy sa dean ng Frontier, na matamang nanunuod sa nagaganap na eksena sa isa sa mga building niya. Alam ng dean lahat ng nangyayari sa paaralan nito, miske yata ang ilang pagkamatay ng lamok ay bilang niya kung kaya naman lahat rito ay walang pwedeng maitago sa kaniya. Kabilang na roon ang illegal na pagpasok ng kilalang underboss ng Greco Famiglia na si Rycass Greco, kapatid ng isa sa kaniyang elite student na si Racliff Adamovich: ang nanguna sa Top10. Ang lahat ng nangyayari ngayon ay inaasahan na niya, magmula sa pagpuslit ni Rycass hanggang sa nagaganap na tapatan ngayon, pero dahil nageenjoy ang dean sa kaniyang napapanuod ay wala itong gagawin, isa pa, wala rin naman batas sa kaniyang paara

