Zoey's PoV: I bit my lips while staring at Samantha. Ramdam na ramdam ko ang tensyon na nagsisimulang mamuo sa pagitan namin. Her eyes are burning in rage and fury but still, ang ganda nya pa rin. Ugh! Bakit ko ba sya cinocomplement? Aish. I faked a cough. "Uhm.. Samantha, sya si Love." Ako na ang sumagot dahil from my peripheral vision, nakita kong parang nasindak din sa gulat si Love. Kung ako ang nasa kalagayan nya, paniguradong ganyan din ang magiging reaksyon ko. Tumalima sa akin ang tingin ni Samantha. At hindi ko maiwasang mapaatras nang makita ang nanlilisik nitong mga mata. Nakakatakot. "Bakit ikaw ang sumasagot eh hindi naman ikaw 'yung tinatanong ko?" She exclaimed. "At talagang may endearment na agad kayo, huh?!" Nanlaki ang aking mata nang marealize ang sinabi nya. N

