Zoey's PoV: "Aaahh! Thank God at Saturday ngayon." I said to myself. Whoo! This is one of my favorite day. Actually, weekends talaga ang pinakabet ko sa buong linggo. 'Yung tipong makakapagstay na lang din ako sa aking unit. Pasipol-sipol pa akong naglakad papunta sa aking living-room. I opened the TV at nagsimulang manood ng movie sa Netflix. Kanina pang umaga maganda ang mood ko. Well, tapos na rin kasi ako sa mga dapat kong gawin. I already recorded the things that I should do. Nacheck ko na rin ang tungkol sa aking clothing line at as usual ay wala namang problema. Nakakatuwa nga dahil tumaas nang tumaas ang ratings ng business ko. This is really peaceful. Ang sarap sa pakiramdam ng ganto. While watching, biglang sumagi sa isipan ko ang aking ekwentro sa Presidenteng 'yon. Aish.

