Masaya si Ada na pinagsilbihan ang mga bata pagkatapos magdasal ni Hannah. Lagi silang ganito, dapat laging nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya malaki man o maliit. Nang matapos niyang malagyan ng pagkain ang plato ng mga bata ay ang kanya at kay bente naman ang nilagyan niya. Naramdaman niya ang matitiim na titig mula kay bente. Yes, she loves calling him bente, her endearment to him like what he said before. Dinedma niya na lang ang pagtitig nito kahit ang totoo ay naaasiwa na siya. "Kuya pogi, baka matunaw po si ate ganda." Napalingon siya kay Hannah sa sinabi nito. Tsk! Masyado naman halata ito. Bulong niya sa isip. Sabay-sabay naman ngumiti ang mga bata at nagsimulang tudyuhin sila. "Kakain ba kayo o ibibigay ko 'yan sa iba?" banta niya sa mga ito. Mabilis naman n

