Habang hawak ni Kevin ang kamay ni Ada ay hindi niya maiwasan makaramdam ng kapanatagan ng loob. Hindi niya rin alam ano pumasok sa isip niya at pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Basta ang alam niya...ang sarap ng init na nagmumula sa palad nito. Nang makarating sila sa kinaroroonan ng mga bata ay binawi ni Ada ang kamay mula sa kanya. Pinakawalan naman niya ito. "Ate ganda, sino po kasama n'yo po?" bungad na tanong nung pinakamatanda sa mga ito. Lumapit si Ada sa mga ito. "Ok babies ko, naligpit niyo na ba lahat?" "Opo ate ganda," sabay-sabay pang sagot ng mga bata. "May ipapakilala pala ako sa inyo." Lumapit ito sa kanya. "Siya nga pala si kuya bente," sabay hagikhik. Napataas ang kilay niya. "Bente? Para 'yung bente pesos?" komento ni Prince. Naalala niya ito dahil nabanggi

