Wala sa mood na nakatingin si Ada sa harapan ng daan. Nagbyabyahe na sila ni Mr.Ceo sa walang direksyon. Hindi niya kasi alam kung saan dadalhin ito. Saka nahihiya rin siya dahil sa nangyari kanina. Halata naman nakita na nito ang lahat sa kanya. Gusto niya maiyak! "Bakit? Bakit? Bakit? Bakit? Paano mo ito nagawa?" "Are you Okey?" Hindi niya napansin na napalakas pala ang pag-e-emote niya. Imbes sagutin ay inirapan niya ito. "Hey, where are we going? I don't know this place much," rinig niyang reklamo nito. "Ihinto mo sa gilid." "What?" "Sabi ko ihinto mo." Wala siyang pakialam kahit magmukhang walang galang siya rito. Off duty siya kaya walang boss-boss sa kanya. Lalo na mainit ang dugo niya. Iginilid naman nito ang sasakyan. "Baba ka, bilis," utos niya rito. Binigyan siy

