Prologue

258 Words
NIKKI "Sige na kasi ate, makipagclose ka na kay Faye, tapos tanungin mo sya kung mahal nya din ako." pangungulit sa akin ni Milo habang busy ako sa pagbabasa. Bigla naman akong napatigil sa ginagawa ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Ano daw? Ano daw yung gusto n’yang gawin ko? "Excuse me baby bro? Gusto mo kong makipagclose sa bestfriend mo?” Ew ha. “No way! A-Y-O-K-O!" sagot ko naman sa kanya. Hello? Ako si Nicole Fernandez makikipagclose sa isang NOBODY? No way! Mas lalo akong hindi makapaniwalanang bigla s’yang lumuhod sa harap ko. "Please Ate, do it for me. Diba super love mo naman ako?" pangungulit pa rin ni Milo. With matching puppy eyes pa yun ha! Naiiling na itinayo ko naman s’ya. Dahil sa babaeng ‘yon, kailangan n’ya talagang lumuhod? "Miguel Fernandez, ganyan kana ba talaga kadesperado na maging jowa yung bestfriend mong nerdy na yun?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay. Bigla namang naging seryoso yung itsura ng kapatid ko. "Sobrang mahal ko sya Ate! At ayokong magtapat agad dahil ayokong mawala s'ya sakin. Kahit kaibigan lang Ate, ok na sa'kin. Ang importante masaya s'ya" sabi pa n'ya sabay alis sa kwarto ko. Wow ,ni hindi man lang hinintay na makasagot ulit ako. I sighed. Uh-oh! Nagseryoso na sya. I think malakas talaga yung tama ni baby bro sa bestfriend n'ya! At bilang Ate n’ya, kailangan n’ya yung suporta ko. I hate it! Kailangan ko tuloy maging nice!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD