Chapter 1

1344 Words
NIKKI "Ringgggggg ringggggggringgggggg" "Ateeeeeeeeeeeeee! Bangoooonnaaaaaaaaaaaaaaa!" narinig kong sigaw ni Milo. Yeah right. Sumabay pa talaga syasa alarm clock. Sino ba namang hindi magigising agad ng ganito kaaga. Tss. "Shut up bro or else hindi kita tutulungan!" yeah. You heard it right. Dahil super love ko yang brother ko na yan, tutulungan ko sya dun sa bestfriend nya. Hay! Nangingislap ang matang lumapit s'ya sa akin. "Promise ate? You'll help me?" masayang tanong n’ya. "Yep baby bro. Pasalamat kamahal kita." agad naman nya akong niyakap pagkasabing-pagkasabi ko non. "I love you so much Ate! Thank you. Btw, pinagluto kita ng breakfast CIAO!" at nagmamadaling lumabas ito. Baka natakot na baka bigla ko pang bawiin yung sinabi ko. Well, sino ba namang makakatanggi sa ganyang kasweet na kapatid diba? Oo nga pala, hindi n’yo pa ako kilala. My name is Nicole Anne Fernandez, 18 years old, 2nd year college sa Highland Academy. I'm taking up Communication Arts major in TV and FILM writing. Sabi nila maganda daw ako, sexy din naman, long black hair, kissable lips, etc. Kasali din pala ko sa Badminton Club sa school. Yun lang kasi yung sports na alam ko eh. Yung kapatid ko naman, si Miguel Fernandez yun, baby Milo ko. 17 years old na sya, 1st year college, same school. Tapos course nya, Political Science na idederetso nya sa Law. Bongga ng brother ko no? And of course, super in love dun sa nerdy bestfriend nya na kapitbahay namin at classmate kong si Faye. O pa’no, I am so late na, I need to go to school na. Saka na yung ibang introduction. Sabay na rin kaming pumasok ni Milo sa school. Alangan naman kasing maghiwalay pa kami diba? Pagdating na pagdating ng sasakyan namin, agad nagkumpulan yung mga hampas-lupang estudyante ng Academy na to. Sorry for being harsh pero eto kasi talaga yung ugali ko eh. Wala akong ibang kinakausap dito sa school kundi yung mga super friends ko and yung kapatid ko. Speaking of them, eto na sila, isa-isang bumababa sa mga sasakyan nila. Si Jenny Tamayo, super bestfriend ko simula pa nung kinder yata kami. S’ya lang kasi yung nakapagtyaga sa ugali kong to eh. Super opposite kami nyan, mabait kasi yan at super lambing pa. Diko nga alam kung bat ko naging bestfriend yan. Joke! Pero super love ko yan, as in to the highest level. Si Allison San Gabriel, ang MVP naman ng barkada. Super galing na volleyball player. And May I remind you guys ,player yan, chickboy yan! Pwede sa chick pwede sa boy. Certified BI pero super girly pa rin manamit. And last but not the least, ang bunso ng barkada, si Mei-Mei Montecillo. Super isip bata at bratinella sa grupo namin. And baby din namin yan na crush na crush yung kapatid kong si Milo. Pero secret lang daw namin yun. Hehe. Syempre, isama na din natin ang super gwapo at hunky hunky boyfriend ko na si Chase Delos Reyes. Agad silang lumapit sa akin pagkakitang-pagkakita nila na dumating na rin ako. Sabay-sabay na din kaming naglakad papunta sa classroom. Humiwalay ng daan si Milo dahil sa kabilang building sya. Bago tuluyang makalayo ay nakita kong kumindat to. Tumango na lang ako. Why do I need to be nice ngayong araw na to! Hay! Pagpasok pa lang namin sa classroom ay hinanap ko na agad yung upuan ng nerdy bestfriend ng kapatid ko, and of course nakita ko kaagad. Super nagsstand-out kasi s’ya sa buong klase, as in! Sa KABADUYAN! Ewan ko nga sa kapatid ko kung anong nakita nya dito. Agad akong lumapit sa may upuan n'ya, nakita kong nakayuko sya at nakatingin lang sa arm chair nya. "Ehmmm, is this seat taken?" tanong ko sa kanya. Nakataas ang kilay na tiningnan ako ng mga kaibigan ko. Kumindat lang ako at sumenyas ng "LATER". Meron kasing reserved seats para sa aming magkakaibigan dito. Hindi ako tiningnan ng bruha! Sisigawan ko na sana pero kinalma ko na lang yung sarili ko. Patience Nikki, patience! Kinulbit ko na lang s’ya at nagtanong ulit. "Excuse me Faye, may nakaupo na ba dito sa tabi mo?" saka lang ito nag-angat ng paningin. Parang bigla akong natigilan nang nagtama yung mga mata namin. Nakita ko kasi yung lungkot sa mga mata nya. Pero agad din naman akong nakabawi. What the hell was that feeling? Umiling lang s'ya sakin. "Ahm, ok lang ba kung dito muna ako umupo?" sabay smile ko sakanya. Nakita kong biglang naglikot ang mga mata n’ya pero agad din namang tumango. "Thank you!" sabi ko pa bago s’ya yumuko ulit. Jusko naman, kung hindi ko lang talaga mahal yung kapatid ko, eh nunca naman na kausapin ko ‘to. Pipi yata eh! Nikki, for Milo, mag-isip ka ng topic. Wala pa naman kasing prof. Medyo maaga kasi kaming pumasok ngayon dahil nga dito sa OPERATION BESTFRIEND nitong mahal kong kapatid. Kinulbit ko na lang s’ya ulit. "Ahm Faye, can we be friends?" at mukhang hindi lang si Faye yung nagulat sa tanong na ‘yondahil biglang tumahimik sa classroom after kong itanong ‘yon. Seryoso? Nakikinig silang lahat sa amin? Tiningnan ko lang silang lahat sabay smile. "A-ako?" shocked natanong ni Faye sa akin. Ay hindi Ate, yung upuan, mukha kasing mas ok pang kausapin yun kesa sayo eh! Jusko ha, napapanis yung laway ko sayo! UGH, PATIENCE! Nakangiti naman akong tumango. "B-bakit?" takang tanong pa nito. Ay si Ate parang ayaw pang pumayag, choosy ‘te? Hahaha. Nakakaloka tong babaitang to! Nikki, para kay Milo. Wow, parang naging mantra ko na ‘yon ah. "We'll bukod sa magkapitbahay tayo at bestfriend ka ng kapatid ko, tingin ko naman walang masama kung kakaibiganin kita." ang plastic ko sa part na ‘yon. Nakita kong bahagya s’yang ngumiti. Bigla akong napatigil! Para kasing may kung ano akong naramdaman sadibdib ko. Ano na naman ‘yon? Tumango s’ya at inilahad ang kamay. *** FAYE Nakita kong mukhang sincere naman si Nikki sa pakikipag-usap at pakikipagkaibigan sa'kin kaya ngumiti din ako sa kanya. "Simula tayo sa una? Hi, I'm Honey Faye Alix. And you are?" sabay lahad ko ng kamay sa katabi ko. "Nicole Anne Fernandez at your service" sabay ngiti naman n’ya sa akin. Bigla ko na namang naramadaman yung kaba na yun nung ngumiti s’ya sakin. Pero agad din naman akong nakabawi sa pagkabigla. Maraming tinanong sa'kin si Nikki. Actually, bata pa lang kami kilala ko na yan si Nikki. Ang kwento sa’kin noon ni Milong, super sweet at makulit daw na bata yang si Nikki noon. Kaso parang nagkaron yata ng incident noon, kaya ayun lumayo s’ya sa mga tao. Yung dating masayahin na Nikki, naging super cold sa mga tao. Ilang beses na din akong sinasabihan ng bestfriend ko na kaibiganin yung Ate n’ya, kaso hindi ko alam non kung papa’no. Hello, ilang taon na kaming magkaklase pero dalawang beses pa lang nya ko kinakausap. Yung una, nung 4thyear highschool ata kami, tapos pinagtapon nya lang ako ng basura. Tapos eto nga yung pangalawa. Parang eto yung getting-to-know naming dalawa. Malay mo naman, bigla nya kong magustuhan para sa kapatid n’ya pag naging close kami.Matagal ko na din kasing mahal si Milong kaso natatakot ako na baka pag nalaman n'ya na gusto ko s’ya, bigla na lang syang umiwas. *** NIKKI In fairness dito kay Miss Labo ang smart n’ya sumagot ha. Hindi naman pala nakakabore tumabi sa kanya. Habang nag-uusap din kami, pinagmasdan ko s’yang mabuti. Hindi naman pala sya ganun kapangit. Kung aayusin lang natin yung buhok n’yang walis tambo, at tanggalin yung pang-lola na salamin, I think she's pretty. No wonder nagustuhan ‘to ni Milo. And sa nakikita ko, mukhang gusto din naman nya yung kapatid ko so feeling ko maagang matatapos ang misyon ko. At least, konting panahon lang lalabas yung kaplastikan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD