Apollo POV Masakit sa kalooban ko ang makita si Tallie sa ganoong kundisyon. Kaya mas pinili kung pauwiin si Zana para hindi na siya pag-initan pa nila Ate Monica at Mama. Alam ko ding kailangan niyang magpahinga. Nagpaiwan ako sa ospital para bantayan si Tallie. At para makauwi si Tita. Dahil batid kong pagod din ito. Nanatili ako sa tabi ni Tallie at inaantay ang pagising niya. Hindi ko maiwasan ang bahagyang dalawin ng antok dahil sa pagod. Kaya nagpasya akong tumayo mula sa sofa para tawagan si Zana. Ilang Segundo din akong nag-antay bago niya sagutin ang tawag ko. “Hi love. Nakauwi ka na ba?” “Oo Apollo, nandito na ako sa condo. Kumusta si Tallie? Gising na ba siya?” Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. “Hindi pa,” Narinig kong ang mahina niyang paghinga mula sa kabilang linya

