Zana POV Isang linggo na ang nakalipas mula nang umalis ako sa Pilipinas. Napagod na rin siguro akong umiyak kaya kahit mag-isa lang ako sa condo at malungkot tuwing uuwi ako mula sa trabaho hindi magawang tumulo ng mga luha ko. Mula nang dumating ako dito wala akong na-rerecieve na tawag mula kay Apollo. Siguro ay okay na sila ni Tallie ngayon. Kahit masakit para sa akin ang ginawa ko. Ay wala akong nagawa kundi panindigan ang naging desisyon ko. Kailangan kong maging matatag at mas mahalin pa ang sarili ko. I realized a woman is one of the most beautiful creation of God. A woman is more precious than a jewels. But she is like a diamond, beautiful, hard to break and worth it to love for. Maraming babae ang nagdurusa pero pinili nilang maging malakas. Hindi lang para sa mga mahal ni

