Zana POV Hindi ko akalain na sa ganitong paraan kami magkikita ni Apollo. At nakita ko pa silang magkasama ni Tallie. Ibig sabihin ay magkarelasyon na ang mga ito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na magtagpo ang aming mga mata. Hindi ko mabakas sa kanyang mukha ang pagsisisi sa kinahinatnan ng aming relasyon. At mukha naman s’yang masaya. May kaunting kirot akong naramdaman ng makita ko silang magkasamang dalawa. Akala ko sapat na ang tatlong taon para tuluyan ko s’yang makalimutan pero hindi pala hangang ngayon may epekto parin s’ya sa buhay ko. Siguro dahil hindi naman naging maganda ang relasyon naming dalawa. Marami din akong naging tanong sa isip na gusto ko mabigyan ng kasagutan noon. Pero alam kong huli na. “Ms. Zianna, tapos na po ba kayong magbihis?” Wika

