Zana POV “Apollo! Ano ba?!” Hinila ko ang kamay ko sa kanya. Nang makalabas na kami sa hotel. “Ano bang problema mo!” “Mag-umpisa tayo ulit Zana, hindi ko na uulitin ang lahat, patawarin mo na ako. Nagkamali ako inaamin ko yun, tatlong taon ko ng pinagsisihan ang nagawa ko sa’yo kaya please I’m sorry just give me a second a chance. I will make it up to you, I promise.” Pagmamakaawa n’ya sa akin kulang na lang lumuhod siya sa harapan ko pero wala akong pakialam. Hindi man kasing sakit ng oras na yun ang nararamdaman ko ngayon. Nakatatak parin sa isip at puso ko ang pakiramdam ng isang niloko. At hinding-hindi ko s’ya mapapatawad. “Hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati Apollo. Hindi na ako ang dating Zana. Malaki na ang pinagpabago ko. Nakikita mo naman siguro yon. At isa pa, kontento n

