Zana POV "Inuulit ko Zana. Tinatangap mo ba si Apollo upang maging iyong kabiyak sa hirap at ginhawa sa lungkot at saya. Habang kayo ay nabubuhay?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. Sobrang hirap nang kalooban ko ang gagawing kung desisyon. Huminga ako ng malalim bago magsalita. "No, Father." "Zana? Ano ba yang sinasabi mo? Hindi ito ang oras para makipagbiruan." Nakangiting wika ni Apollo sa akin. Pero batid ko sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Humarap ako ulit kay Father. "I'm sorry Father. Hindi ko kayang makasal sa lalaking may iba pang minamahal." Natigilan si Apollo sa sinabi ko. Hinila ko ang mahabang lace na nakakabit sa bewang ko na nagsisilbing pampahaba sa suot kong gown. Pinasadya ko talaga yun para mapadali sa akin ang tumakbo kung sakali

