Zana POV Alam kong katangahan ang ginawa kong plano na pag atras sa araw mismo ng kasal. Pero mas lalo akong tanga kong itutuloy ko ang magpakasal sa isang tao na pinagkatiwalaan mo ng lubos ngunit sa bandang huli ay lolokohin ka pa rin. Simula ng lumipat ako sa condo ni Apollo. Dun na nag-umpisa ang pagdududa ko. Alam kong maiksi palang ang naging relasyon namin pero sapat na sa akin yun para malaman ko kung nagsisinungaling nga ba siya o hindi. Noong araw din yun tinawagan ko si Bea kung doon nga nagpalipas ng gabi si Apollo. At nalaman ko ang totoo. Mahirap sa akin ang pagdudahan siya lalo na at alam kong nagsisinungaling siya. Pinilit kong maging okay, at isipin na wala siyang ginagawang masama. Kahit magkasama kaming dalawa alam kong may bumabagabag sa kanya. Noong araw na uminom ka

