Apollo POV Maaga akong nagising. Ngayong araw ang kasal namin ni Zana. Gusto niyang maghiwalay kami ng kwarto. Dahil ayaw niyang makita ko siya na naka wedding gown. Pumayag na rin ako. Tinungo ko ang labas ng veranda at pinagmasdan ang panahon. Nasa kani-kanilang room na din ang mga kaibigan at kamag-anak ko. At mag-isa lang ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Zana na papuntahin ang mga magulang niya sa kasal namin ang alam ko lang ay hindi maganda ang relasyon nila at hindi narin ako nag-usisa pa. Dahil kung gusto man ni Zana na ikwento sa akin yun dapat matagal na. Pinili niyang manatili sa isang nipa hut cottage na malapit sa dagat. Mas maaliwalas daw kasi. Habang ang pamilya ko naman ay magkakasama sa family room. Pinagmasdan ko ang ganda ng susuotin kong white tuxedo. Na

