Zana POV “Ms? Saan po kayo?” Tanong ng taxi driver. Pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata ko. At sinabi ko sa kanya na ihatid ako sa condo na tirahan namin ni Apollo. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nasa loob na ako ng condo. Napasandal ako sa pinto at hinayaan ko lang ang pagtulo ng aking luha. Inilabas ko ang kinikimkim kung galit sa pamamagitan ng pag-iyak. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sa London dahil yun ang nagpatibay sa 'kin lalo na noong mga panahon na gusto ko nang sumuko. Nilunok kong lahat ang hiya sa aking katawan. Dahil alam kong sa pamamagitan noon maibabangon ko ang aking sarili. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Bagsak ang balikat na pumasok ako sa loob ng kwarto. Nagpasya na rin akong magpalit ng damit. N

