Zana POV Hindi ko inaasahang makita si Tallie, at alam kong ganon din sa Apollo dahil ang sabi niya sa akin family outing ‘to. Pero hindi na rin ako nagulat dahil malapit sila ni Ate Monica. Siguro ay niyaya niya si Tallie na sumama sa amin. Lumingon sa akin si Apollo. Palagay ko iniisip niyang ma-iilang ako sa presensiya niya. Para mabawasan ang pag-aalala niya ay sapilitan akong ngumiti. Na okay lang kung nandito siya hindi ako dapat mag-alala dahil ako ang mahal niya. “Hi.” Bati ni Tallie. Kung makangiti siya. Parang walang nangyaring sagutan sa pagitan naming dalawa. Nabaling sa kanya ang atensyon ni Apollo sa kanya. “What are you doing here?” Nagtatakang tanong niya dito. “Ate Monica and Tita invited me here Apollo.” Sagot niya habang nakatingin sa kamay naming magkawak ni Apollo.

