Chapter 40: SABRINA HUMINGA akong malalim upang pakalmahin ang sarili ko. After Fabian slammed the door, hindi na ako nakatayo mula sa sofa. Napakabigat ng dibdib ko. May parte sa akin na alam kong may punto siya, hindi ako sigurado sa nararamdaman para sa akin ni Damon, pero gusto kong maging kontento na muna sa kaya niyang ipangako sa akin sa ngayon. Truth hurts... Iyan ang ipinararating sa akin ni Fabian, at pati na rin ng mga sinabi sa akin kagabi nina Crystal. Siguro nga hindi pa kami pareho ng nararamdaman sa ngayon, mahal ko na siya at hanggang ngayon ay hindi pa ako sigurado kung mahal niya na rin ako. Pero ayokong isipin na hindi niya ako matututunang mahalin, ayokong isipin na mahirap akong mahalin. Hindi lang si Damon ang dahilan kung bakit nananakit ang dibdib ko. Pait, g

