Chapter 41: SABRINA PAGKAPASOK ko sa malaking gate namin ay natanaw ko kaagad si Mommy. Nasa gilid siya ng malaking swimming pool sa harap ng bahay, paikot-ikot. "Mommy," tawag pansin ko sa kaniya. She's on her heels when she turned around and see me. Nilapitan ko siya at sinalubong niya ako ng yakap. Napipilitang humalik ako sa pisngi niya at pagod na tiningnan siya, habang siya ay mukhang hindi pa rin mapalagay nang tingnan ako. What's wrong? "Mabuti't sumipot ka, akala ko ay hindi ka na magpapakita." Itinikom ko ang bibig ko. Gusto ko sanang sabihin na nandito lang ako bilang pagrespeto sa kanila, pero minabuti ko nang hindi na lang sabihin pa iyon, pagod ako para makipagtalo. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. She appreciated my new looks as she stare at me. "You looks

