Chapter 33: SABRINA PAGBALIK namin sa opisina ni Brittany ay naging abala na kami pareho sa trabaho. Nagkaroon ng maliit na meeting tungkol sa kliyenteng kinausap ni Crystal sa labas. Matapos niyon ay naging abala pa ako sa ibang papeles na kailangan kong basahin at i-check. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay nag-check ako ng cellphone ko. I received one message from Damon, telling me that he'll have a lunch meeting in QC, same as me, he's busy too. Sa free time na rin na iyon ay tinawagan ko si Samantha, gusto ko lang sana siyang kumustahin dahil hindi pa kami ulit nagkakausap matapos naming maghiwalay, last night na umuwi ako sa mansion. Pero hindi siya sumasagot. I have no idea where is she right now, pero pinangako ko sa sarili kong aalamin ko kung nasaan siya once na matapos ko an

