Chapter 54: SABRINA NAGDADABOG akong naglalakad habang hinahanap sina Mr. Alvarez. Kanina ko pa gustong umalis, kaso hindi naman ako makaalis nang hindi nagpapaalam kay Mr. Alvarez at sa mga kaibigan niya. Baka ito na pala sana ang opportunity ko para mapaoo sila na mag-invest sa kompanya namin, kaso baka magkaroon sila ng bad first impression sa akin kapag umalis ako nang walang paalam. Kaso hindi ko naman sila makita, bumalik na ako sa kanina namimg silong pero wala sila roon. "Okay naman kasi ako rito, ayos na nga ang outfit ko, bakit dumating pa siya? At talagang tsinempohan pa niyang magkausap kami ni Damon?" naiinis kong bulong at reklamo. Kausap ko na ang sarili ko, trying to vent out every frustration that I'm feeling right now, pero hindi yata effective. Tumigil ako sa paglal

