Chapter 55: SABRINA "MISS Royale, I thought you already left," bati sa akin ni Mr. Alvarez nang makita ako at makalapit sila sa kinaroroonan ko. Nagpasya akong bumalik sa silong kung nasaan kami kanina nang magpasya akong iwan si Damon at Shaina. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng wisyo ko habang nakatingin sa kanila, at ang tanging gusto ko lang gawin ay ang lumayo, nang hindi ko na sila makita. I hate this feeling. 'Yong pakiramdam na gusto kong magreklamo, gusto kong may gawin, pero alam kong hindi puwede. Dahil para saan pa, hindi ba? Wala naman na akong karapatan. Watching Damon and Shaina is slowly shattering my heart, it's breaking every pieces of it that I can't bring back yet. Akala ko masakit nang madurog ang puso dahil sa taong mahal ko, pero mas may sasakit pa pala roon. Iyo

