Chapter 27: SABRINA PANAY ang silip ko sa wristwatch ko habang papasok sa lift para makaakyat sa office floor ko. Tinanghali ako ng gising dahil wala naman sa akin ang cellphone ko na ginagamit ko pang-alarm, iniwan ko iyon sa opisina. Hindi ko pa naman alam kung anong schedule ko ngayon. Siguradong tambak ako dahil ipinalipat ko kay Chrissie lahat ng schedule ko kahapon. Hindi ko pa iyon nasisilip dahil nga wala naman akong cellphone. Hindi na rin ako nakapagbukas ng laptop ko kagabi dahil sa pagod at distraction na rin. Buong gabi yata akong nakatitig sa kisame. Gusto kong sisihin si Fabian. Dahil sa sinabi niya kagabi kaya hindi kaagad ako nakatulog. Pinag-iisipan ko ang sinabi niya. Gusto kong tanggapin ang offer niya na tulungan akong kumbinsihin si Dad na i-cancel ang kasal, pero

