Chapter 28: SABRINA PAGOD akong sumandal sa swivel chair ko pagkalabas ng huling client na kinailangan kong kausapin ngayong araw. Hindi na ako natahimik pagkatapos ng pag-uusap namin ni Daddy. Buong araw kong itinuon ang atensyon ko sa trabaho, trying to avoid those feelings inside me. Nagtagumpay naman ako, iyon nga lang ay wala pang sampung minuto pagkaalis ng huling ka-meeting ko ay heto na naman ako at napapatingin sa cellphone ko. "He's still not calling you?" tanong ni Crystal, na para bang kanina pa niya nababasa ang mga kilos ko. Sa tuwing mababakante kasi ako ay tumitingin ako sa cellphone ko, hoping that Damon would call me. I even texted him, I told him to call me if he's free. Pero hanggang ngayon ay wala. Iniisip ko na lang na sana busy lang na naman siya kaya hindi niya p

