Chapter 29: SABRINA NAPAUNGOL ako nang magising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko, sobrang bigat niyon pati na rin ang ulo ko. Parang hinahalukay ang utak ko, ang sikmura ko ay gustong bumaliktad. Gaano ba karami ang nainom ko kagabi? Gusto kong murahin ang sarili ko. I should've stop myself. Bakit ba kasi ako uminom kahit alam kong hindi ako sanay? Gusto kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero masyado akong nahihilo, hindi ako makapag-isip nang maayos. Nagsalubong ang kilay ko nang may marinig akong kaluskos o ilang pagkilos malapit sa akin. Kaya kahit pati ang pagmulat ng mga mata ko ay kinatatamaran ko, pinilit ko pa rin iyon tingnan. Una kong nakita ay ang bintana. Nakasara ang puting kurtina kaya hindi ako masyadong nasilaw, nang lingunin ko kung

