Chapter 30 SABRINA ILANG minuto na kaming nag-uusap nina Crystal tungkol sa nangyari kagabi at sa trabaho ngayong araw na sila muna ang aasikaso. "Kami na munang bahala rito, sundin mo na lang si Damon na huwag ka munang umalis, malay mo may gusto pala siyang gawin-este, pag-usapan ninyo kapag hindi ka na lasing." Dinig ko ang ngisi sa boses ni Crystal habang sinasabi niya iyon. "He just want me to stay because he thinks that I need some rest for my hangover, and I need to do that here for my safety," paglilinaw ko. Kung tama ako ng pagkakaalala ay sinabi niya iyon sa akin kagabi, kung bakit dito niya ako dinala imbes na sa bahay. Pasalamat na lang ako dahil hindi niya ako dinala sa Royale's mansion. Siguro dahil sinabi sa kaniya nina Crystal noong isang araw na may problema sa bahay,

