Chapter 35: SABRINA Kinabukasan ay maaga akong nagising at bumangon. Wala akong naramdaman na kahit konting katiting ng katamaran. Rude man o disrespectful pakinggan, pero ang tanging gusto ko na lang sa ngayon ay ang makaalis sa pamamahay na ito, makawala sa magulang ko. Samantha was right, one dinner can't fix the problem. Hindi ko masisisi si Samantha kung bakit gusto niyang umalis sa bahay na ito at bumukod. Nakaka-suffocate ang awra dito, kahit ako ay parang hirap huminga. Gusto kong humupa na itong sama ng loob ko kay Dad, pero mahirap. Dumiretso ako sa silid ni Samantha pagkalabas ko ng kuwarto ko, ngunit walang sumagot nang kumatok ako roon. "Magandang umaga po, Ma'am Sabrina. Nasa baba na po si Ma'am Samantha," bati at bigay alam sa akin ng dumaang maid habang may dalang dust

