“GIRL, wait. Kilala mo pala ang coach na ‘yan?!” Awang ang bibig ni Yassi nang makita siya nitong bumaba kanina galing sa motor ni Ninong Jax.
Ngumiti siya at nilingon ang kanyang ninong sa parking lot na naghuhubad pa ng helmet nito.
“Alam mo ba na badtrip na badtrip ako sa ‘yo kahapon?” Nandidilat ang mga matang pahayag nito. “Bigla mo akong iniwan sa ere, Girl! Ikaw itong nagpasama sa akin tapos bigla ka na lang umalis. Buti na lang si Coach pala ang kasama mo kaya parang biglang nawala ang inis ko. Teka nga, kaano-ano mo nga pala siya? Bakit palagi kayong magkasama?”
“My future boyfriend,” walang gatol niyang sagot.
Bigla itong naubo. “Ano?!”
Tumawa siya at nauna na sa corridor papunta sa office ng head of security.
Sinundan pala siya ni Yassi. “Hoy, loka ka. Anong future boyfriend ba ‘yong pinagsasabi mo? Nanliligaw ba si Coach sa ‘yo?”
“Hindi. Ako ang nanliligaw sa kanya.”
Mukhang mabibilaukan na naman yata ito sa sariling laway. “Girl, seryoso ka ba?”
“Yes, why?”
“Gosh, ganyan ba talaga kayo ka-straight forward sa America? I mean, oo, super hot ni Coach. Kahit ako kinikilig ang t*nggil ko kapag nakikita siya. Pero ‘te, mukhang nasa late twenties na si Coach.”
“Mid-thirties,” pagtatama niya. Pero mukha naman talagang mas bata si Ninong Jaxon kaysa sa totoong edad nito.
“See? Mas matanda pa pala talaga. And besides, hindi ba bawal siyang makipag-relasyon sa mga estudyante?”
Nagkibit ng balikat si Shielo. “It doesn’t matter.”
Napaawang na lamang ang bibig ni Yassi habang nakatingin sa kanya. “Grabe ang fighting spirit mo, Girl. Hindi ko kinaya. Ako, hanggang crush lang kay Coach. Pero mukha namang may chance ka. Kasi nakakaangkas ka na sa motor niya.”
“Well, he’s actually my Ninong. So…”
Huminto sa paglalakad si Yassi. Para na itong naging estatwa.
Natatawang nilingon niya ito. “Are you coming with me, or not?”
“My gosh, Shielo! Hihimatayin yata ako sa ‘yo! Seryoso ka ba talaga?!”
“Sshh… huwag kang maingay.” Hinila niya ang braso ito. “Sa ‘yo ko lang sinabi ‘yan dahil friend kita and it looks like I can trust you. Lagot ka sa akin kapag nakalabas ‘yan sa iba.”
Nahihiwagaan pa rin itong nakatitig sa mukha niya ngunit tumango naman ito.
“He’s the reason bakit ako bumalik dito sa Pilipinas. I wanted to meet him.” At ikinuwento na niya sa kaibigan ang pagka-obssess niya kay Ninong Jaxon simula nang makita niya ang larawan nito.
Nang matapos siya sa pagkuwento ay sakto naman na nasa labas na sila ng opisina ng head of security.
“Grabe, Shielo. Hindi ko alam kung hahanga ako sa confidence mo o gusto kitang batukan,” mungkahi ng bago niyang kaibigan bago pa sila pumasok sa loob upang isauli ang helmet.
………….
“GOOD AFTERNOON, NINONG!” masayang bati ni Shielo kay Ninong Jax nang lapitan niya ito sa gilid ng basketball court.
Nakatanaw ito sa mga nag i-stretching na manlalaro.
“What are you doing here?” Bumuga ito ng hangin at bahagyang nagsalubong ang mga kilay ngunit hindi man lang siya nito nihingon.
“Here, dinalhan kita ng tubig.” Inabot niya rito ang water bottle.
“May tubig ako,” walang emosyon nitong sagot.
“Pero may electrolytes ‘to, Ninong. Para ma-hydrate ang katawan mo.”
“Hindi ako dehydrated, Shielo. At puwede ba, stop calling me ninong kapag nasa loob tayo ng campus.”
“Hmm… bakit ba ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsasabi nito, Ninong?”
Tinapunan siya nito ng masamang tingin ngunit hindi na muli pang nagsalita.
Tinitingnan niya lamang ang mukha ni Ninong Jax habang concentrated ito sa pagbabantay sa team nito. Paminsan-minsan ay sumisigaw ito kapag may hindi umaayos na varsity player. Paminsan-minsan naman ay nagbibigay ng mga instruction.
Gusto niya talagang haplusin ang mukha nito. Minsan ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan na niya ito. Hindi na lamang ang larawan ni Ninong Jax ang tinitingnan niya. Para ngang gusto pa niyang kurutin ang sarili kung hindi ba siya nananaginip lang ulit.
Mayamaya ay may lumapit na isang babae sa kanila. Sa suot nitong blusa at palda, alam na agad ni Shielo na isa itong staff doon sa school.
“Hello, Coach Jax,” malambing na bati ng babae.
Ngumiti ng tipid ang lalaki. “Ms. Anna.”
Sumimangot si Shielo. Maganda ang babae at malaki ang hinaharap. Sa tantiya niya ay nasa mid twenties ang edad nito. Sa ngiti pa lang nito ay halata nang may gusto sa kanyang Ninong Jax.
Ngunit ang pinakaiinisan ni Shielo ay nginitian din ito ng lalaki at binati rin. Bakit hindi man lang iyon nagawa sa kanya?
Humalukipkip siya at pinagmasdan ang dalawa.
May dalang snacks ang babae at inabot iyon kay Ninong Jax.
“May dala akong food para sa ‘yo, Coach. I know you’re working hard para sa team ninyo.”
“Thank you, Ms. Anna.” Kinuha iyon ng lalaki.
Mas lalong dumilim ang mukha ni Shielo. Kapag ibang babae ang nagbigay, tinatanggap nito? Pero kapag siya, ayaw?
Huwag niya lang talagang malaman-laman na girlfriend ito ng Ninong niya dahil baka may mangyaring world war 3!
Bigla siyang napansin ng babae. “Oh, who’s this?” nakangiti nitong tanong.
Huwag kang ngingiti-ngiti diyan, baka burahin ko ang pagmumukha mo.
“A freshman student,” blankong sagot ng lalaki.
“Hi!” masiglang bati ni Ms. Anna saka tumawa. “You don’t look like you love reading books, so hindi siguro tayo madalas magkikita this school year.”
Pinagtawanan at hinusgahan ba siya nito? Really?
“I’m Ms. Anna, by the way. I’m the librarian,” bigla nitong pakilala sa sarili.
Hindi sumagot si Shielo. Ngayon pa lang ay mainit na ang dugo niya sa babae.
Bigla siyang tumalikod nang hindi nagpapaalam sa mga ito. Ngunit bago pa man siya nakalabas ng gym, narinig niya pa ang tanong ni Ms. Anna kay Ninong Jax.
“So, tuloy ba tayo mamaya sa Nocturne Bar?”
“Yeah, sure,” sagot naman ng lalaki na mukhang distracted dahil may nakita itong wrong move ng isang player.
Napangiti si Shielo. Tamang-tama. May bago siyang binili na damit na magandang isuot sa isang bar.