TIIM-BAGANG na kumatok si Jaxon sa labas ng pintuan ng opisina ng Head of Security ng Northbridge Univerisity.
May binigay na note sa kanya na ipinapatawag daw siya nito, ngunit walang nakalagay doon kung para saan iyon. May kalokohang ginawa na naman ba ang isa sa players niya? Malilintikan talaga ito sa kanya kung nagkataon. Katakut-takot na push up at planking ang ipapagawa niya sa kung sino man ang varsity player na iyon.
Strikto siya pagdating sa kanyang team. Although minsan ay nakikipag-inuman siya sa mga ito tuwing may isini-celebrate sila, pero hindi puwede sa kanya ang walang disiplinado na athlete. Kaya nga marami na siyang naipanalong championship games dahil bukod sa pagiging magaling niya sa strategy game tactics, mahigpit talaga siya sa kanyang mga nasaskupan.
“Come in,” narinig niyang sabi ng head security na si Mr. Ocampo.
Pumasok siya at agad itong binati bago naupo sa silyang nasa tapat ng mesa nito.
“Musta, Coach?” nakangiting tanong nito.
“I’m good, I’m good.”
“Kailan ang first game this season?”
“Well, we will have a preseason league next month.”
“Aba, manonood ako niyan. Basta ikaw ang coach ng Northbridge, siguradong panalo ‘yan.”
Tumawa lamang siya ng mahina. “By the way, bakit mo nga pala ako pinatawag? Is one of my players in any trouble?”
Ngumisi ito. “No. This time, it looks like you’re the one who’s in trouble, Coach.”
Umangat ang dalawa niyang kilay. “Ako?”
“Well, technically, hindi naman talaga ikaw, pero…” Hinarap nito ang screen ng laptop sa kanya kung saan may video ng CCTV na nagpe-play.
Napamulagat siya nang makita ang video nila kahapon ni Shielo sa parking lot.
“May nag-report sa security na may nagnakaw daw ng helmet niya sa parking lot. Puwede ba naming malaman kung sino itong babaeng kasama mo, Coach?”
Nakuyom niya ang mga kamao dahil kasama doon sa video ang paghalik ni Shielo sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung paano iyon ipapaliwanag sa head security na hindi nagmumukhang defensive.
“She’s… She’s a distant relative,” pagsisinungaling niya. “First year student. I apologize on her behalf. Hindi ko napansin na may kinuha siyang helmet.”
“It’s okay, Coach. Baka naman hindi sinadya ng bata. But since kamag-anak mo pala siya, puwede bang ikaw na lang ang magsabi sa kanya na ibalik dito sa security office ang helmet?”
“Sure, sure!” Tumango at saka tumayo na.
Nang lumabas siya ng opisina, napatiim-bagang na naman siya.
D*mn that kid. Idadamay pa siya sa kolokohan nito.
Hindi niya alam kung papaano ito hanapin sa laki ng campus. He should have just told Mr. Ocampo the truth dahil may contact number naman siguro ng dalaga ang registrar.
Tumigil muna siya sa isang vending machine para bumili ng energy drink. Nakatayo siya roon nang bigla na lamang ay humalik sa kanyang pisngi.
“Good morning, Ninong!”
Gulat na napaatras siya at tiningnan si Shielo na mukhang masayang-masaya.
“What are you doing?” he whispered through gritted teeth. Napalinga siya sa paligid dahil baka may nakakita sa kanila.
“Stop kissing me, Shielo! Ang pangit tingnan,” saway niya.
Ngumuso ito. “Sa pisngi lang naman eh. Bakit, may malisya ba para sa iyo iyon, Ninong Jax?”
Napapunas siya sa noo. Ang kulit talaga ng batang ito. Hindi na niya alam kung anong iisipin dito.
Kunot na kunot ang noo niya habang kinukuha ang energy drink na inilabas ng vending machine.
“Don’t you have classes?”
“Uhm… mamaya pa po. Gusto ko lang agahan ang pagpunta rito dahil baka sakaling makita kita. And it looks like it’s my lucky day!”
Iiwan na lang sana niya ito nang maalala niya ang helmet.
“Bakit ka nagnakaw ng helmet kahapon sa parking lot?” madilim ang mukhang tanong niya.
Nagkibit ito ng balikat. “Bakit, Ninong? Gusto mo bang ma-ticket-an kapag nahuli kang nag-angkas na walang suot na helmet?”
“Hindi ka dapat umangkas in the first place!”
“Ninong naman… ang init ng ulo n’yo palagi sa akin,” palambing nitong wika.
Bumuga siya ng hangin. “Just return the helmet. Now.”
“Wala po.”
“What do you mean wala?”
“Naiwan ko sa condo, Ninong. Bakit naman ako maghe-helmet sa taxi?”
Nahilot niya ang sentido. This girl was really starting to get on his nerves.
“Then get it! Now! Sabi mo mamaya pa ang klase mo.”
“Eh paano po kung biglang nag-traffic at ma-late naman ako?”
He gritted his teeth. “Fine. Maghintay ka sa parking lot. Manghihiram ako ng helmet mo at ihahatid kita sa condo.”
Ngumiti ito ng malapad at saka tumango.
Gusto na niyang maitapos ang pino-problema niyang helmet. Pagkatapos nito ay hindi na siya ulit lalapit kay Shielo.
It seemed like she was always seducing him and it was making him uncomfortable.
Kahit ang pananamit nito ay akala mo kinulang sa tela. Hindi kasi istrikto ang Northbridge University pagdating sa kasuotan. Walang uniporme ang mga estudyante at bagama’t may mga pinagbabawal na mga damit gaya ng p*k-p*k shorts, tsinelas, at sando, hindi iyon mahigpit na ipinapatupad. May mga estudyante pa ring pumapasok madalas na naka mini-skirt lamang.
Kagaya na lang nitong si Shielo ngayon. Konting hangin lang ay paniguradong masisilipan na ito. Ang puti-puti at kinis pa naman ng mga hita ng dalaga.
F*ck! Why did he even think that?
…………….
NAPAKAGAT-LABI si Shielo habang panaka-nakang inaamoy-amoy ang balikat ng kanyang ninong habang angkas siya nito sa motor.
Napakabango talaga nito!
Pangalawang pagkakataon na niya itong makaangkas sa kanyang ninong at kinikilig pa rin talaga siya. Mas lalo pa siyang umusog palapit dito.
Naramdaman niya ang pag-tense ng muscles nito kaya alam niyang naramdaman nito ang ginagawa niya.
Nang dumating sila sa labas ng high-rise condo kung saan siya nagrerenta, agad siyang bumaba at hinarap si Ninong Jax.
“Akyat po muna kayo, Ninong. Baka medyo matagal ako kasi gusto kong mag CR.”
“No, thank you.” Seryosong-seryoso ang mukha nito.
“Pero Ninong, ang init dito sa baba. Natatakot po ba kayo sa akin?”
Kumunot ang noo nito at parang ang sarap haplusin niyon hanggang sa maging smooth ulit.
“Just get the f*cking helmet, Shielo.”
“Ito na nga po, aakyat na!”
Tumawa pa siya bago nagmamadaling pumasok sa loob ng building.